“Woiiii! Melissa, ayiieeee si pogi iyon diba? Iyong lalaking nakausap mo last week. Ayiiee, nakakakilig naman ang pa-flowers na iyan. Grabe, sa tanda ko na ito hindi pa man lang ako nakatanggap kahit na isang pirasong rose, pero ikaw grabe. Isang dosena na nga, may pa ballons at may pa stuffed toy pa. Sana all nalang talaga maganda.” salubong sa kanya ng kasamahan niya.
“Oo nga, grabe ang ganda naman ng flowers na iyan Melissa. Siguro, matindi talaga ang tama ng lalaking iyon sa’yo, wala naman kasing matinong lalaki ang gagastos ng malaki para lang sa bulaklak tapos ibibigay lang sa simpleng tinderang katulad natin hindi ba?” palatak naman ng isa.
“Naku, mga pasaway. Tayo na nga, marami pa tayong liligpitin. Kayo kung ano-anong kalokohan nyo talaga.” natatawang wika niya sa mga ito.
“Dito mo na muna iyan Melissa, tsaka mo ilagay mamaya ng maayos sa silid mo. Hindi na talaga ako nagkamali, sabi ko na nga ba at matindi ang tama sayo ng lalaking iyon. Bilang tiyahin mo, ramdam ko na iyon kaya naman paglapt pa lang niya dito sa akin, alam ko na na ipapaalam ka sa’kin. Gano’n sana ang gusto kong manliligaw, marunong gumalang sa magulang, samantalang ang Ate Helen mo, ayon kung saan saan lamang kinakatagpo ang manliligaw, naku talagang bata iyan!” wika naman ng kanyang tiyang na noon ay nakadungaw sa bintana ng kinapupuwestuhan nito.
“Naku, magkaibigan lamang po kami ni Jarred tiyang, sa isang school po kasi kami nag-aral kaya naging close po kami.” wika na lang niya sa tiyahin.
“Sinabi niya na kasintahan ka niya dati pa at ipinaliwanag na rin niya sakin na nawala siya noon pero ngayon daw ay hindi ka na muli pang iiwan. Sa tingin ko naman ay mapapabuti ka sa taong iyon, kaya kapag nanligaw, pagbigyan mo na kesa naman sa kung kanino ka lang na ahente or kargador sa palengke mapunta. Diyan sigurado akong mabibigyan ka ng magandang buhay, sa tingin ko naman ay may kaya ang lalaking iyon, parang may kaya sa buhay ang pamilya.” mahabang litanya ng kanyang tiyang.
Mas malala naman, napunta na agad sa pag-aasawa ang topic.
“Naku, tiyang malabo pong mangyari iyon kailangan pa po ako ng pamilya ko. Alam nyo naman po marami pa akong nag-aaral na mga kapatid.” sagot na lamang niya.
“Hindi naman sa mag-aasawa ka kaagad. Kung iyon lang naman ay pipili ka ng lalaking makakasama mo. Syempre, unahin mo pa rin ang pamilya mo, lalo na at may maliliit ka pang kapatid na nag-aaral.” wika din naman ito.
“Opo, tiyang.” sagot na lamang niya.
“Akin na muna iyan para makapagtrabaho na kayo.” wika ulit nito.
Iniabot naman niya ang flowers dito tsaka na sila nagsimulang magwork.
KINAGABIHAN
“Saan naman tayo pupunta?” kunot noong tanong niya dito.
Sinundo na kasi siya nito at talagang pinangatawanan iyong pagsundo nito at talagang pumayag nga ang kanyang tiyang.
Hindi rin naman halatang boto ito sa lalaki.
“Sa private resort ng isa kung kaibigan, pinahiram muna niya sa’kin para naman masarili kita. Gusto kong magkaroon ng magandang memories kasama ka. Gusto kong matabunan lahat ng traumang naranasan mo ng dahil sa pag-alis ko na lang bigla.” sagot nito sa kanya.
Agad namang napabaling ang kanyang paningin dito.
“Hoy ano ba yang sinasabi mong private resort tayo pupunta? Tsaka saan naman na resort iyan, hindi ba sinabi mo sa akin na kakain lang tayo sa labas? Bakit ngayon isasama mo ako sa resort tapos tayong dalawa lang, ano ka ba naman! Umuwi na tayo kung hindi mo ako dadalhin kung saang kainan o kung saan ba na pwede nating pasyalan na may mga ibang tao. Umuwi na lamang tayo hindi ako sasama sa sinasabi mong resort na yan! Kailan lang tayo nagkausap, dalawang beses pa nga lang simula ng hindi na kita makasama noong high school tayo. Tapos ngayon dadalhin mo na agad ako sa resort na tayong dalawa lang, ano bang iniisip mo?” Nakasimangot na wika niya dito at talagang nandidilat pa ang kanyang mga mata.
Nagtataka din siya kung bakit agad-agad siyang nagpanic ng sinabi nitong silang dalawa lamang ang magtutungo sa resort na sinasabi nito. Ang pagkakaalam niya kapag gano'n ay solo lamang silang dalawa.
Wala silang kasama doon kaya napaisip siya hindi naman yata tama na magsama ang isang dalaga at binata sa iisang silid o bahay.
“Hey bakit naman hindi pwede? Ano ka ba natatakot ka ba sa akin? Para namang may gagawin akong masama sayo? Para namang hindi mo ako kilala, alam mo naman ayoko talaga sa maraming tao palagi 'di ba dati. Gusto ko tayong dalawa lang palagi mas okay na ako doon na kausap lang kita at saka mas magiging enjoy ako ng husto kong doon tayo. Kesa sa maingay na lugar tapos napakagulo pa at least doon makakapag-usap tayo ng maayos.” Wika pa nito.
“Kahit na ayoko talaga, kung magpumilit ka mabuti pa ay itigil mo na sasakyan at bababa ako.” Puno pa rin ang determinasyong wika niya dito.
“Teka nga ikaw ba ay pinag-iisipan mo ako ng masama? Oh baka naman may iniisip kang hindi maganda na gagawin nating dalawa doon?” Wika nito na may pagkapilyo ang tono ng boses.
Nakangiti din ito na tila ba inaasar siya.
“H-Hindi ‘no! Ano ka ba naman hindi naman yun ang iniisip ko eh. Basta ayaw ko lang, ayaw ko masira ang image ko 'no ! Mamaya may makakita pa sa atin tapos makarating sa nanay at tatay ko. Eh di napagalitan ako ng wala sa oras. Hindi lang iyon hindi man ako nag-iisip ng masama dahil alam ko naman na hindi mo gagawin sa akin iyon at kilala kita. Pero papaano naman yung mga makakakita sa atin abir?” Mataray na pahayag niya dito nakataas pa nga ang isa niyang kilay para mapangatawanan niya ang pagtataray dito.
“Kung hindi iyon ang iniisip mo at talagang may tiwala ka sa akin bakit ayaw mong sumama sa akin doon? Handa naman ako magpaliwanag sa nanay at tatay mo at isa pa nasa tamang edad naman na tayong dalawa hindi ba? Kung noon siguro hindi pa talaga kasi mga bata pa tayo noon, estudyante lang tayo. Pero ngayon sa tingin ko kung halimbawa man na aabot tayo sa puntong ganun wala naman problema dahil nasa tamang edad na tayo hindi na tayo mga bata para gabayan pa ng ating mga magulang.” pahayag ulit nito sa kanya talagang hindi nagpapatalo ang pasaway.
Pero tama din naman talaga ito, nasa tamang edad na rin talaga sila pero hindi kasi magandang tingnan lalo pa at wala naman silang relasyon. At saka dalawang beses pa lang ulit niya itong nakita.
Sabagay dati napaka-gentleman ito at ingat na ingat ito sa kanya, pero ngayon kasi talagang hindi na niya kilala ang lalaki napakarami ng nagbago dito at kahit na ugali nito ay hindi na rin talaga ni mabasa pa. Kaya normal lang siguro na makaramdam siya ng pagkailang.
“Ewan ko sa'yo isipin mo nga dalaga ako ,binata ka, pupunta tayo sa isang lugar na tayong dalawa lamang doon. Oo alam ko na wala ka namang gagawin masama sa akin. Pero paano na lamang ang mga taong nakapaligid sa atin kapag nalaman nila na doon tayo nagtungo. Ang dami ko ng problema Jarred kailangan kong kumayod para sa mga kapatid ko, para makapag-aral sila. Kaya ayaw kong sirain din ang tiwala ng tiyang ko sa akin at saka ang tiwala ng aking nanay at tatay sa tingin mo kapag nalaman nila ito hindi nila ako pauuwiin sa probinsya?” Matiyagang paliwanag niya dito.
“Naintindihan ko naman ang punto mo, pero Melissa kilala mo ako at hindi ko gagawin yung sayo. Ang gusto ko lang talaga may mapagpahingahan tayo at saka hindi naman tayo matutulog sa iisang room. Tag-isa tayo ng silid at kung inaalala mo na magagalit ang tiyang mo sa pupunta natin. Pwes, nagpaalam ako sa kanya sinabi ko kanina kung saan tayo pupunta at sinabi ko rin na gusto kong mag-overnight tayo doon para makapag-relax ka rin. At tiniyak ko naman sa kanya na wala akong gagawin masama sayo at sinigurado ko rin sa kanya kung ano talaga ang pakay ko sayo.” Paliwanag ulit nito sa kanya na lalong magpaawang ng kanyang labi.
Gulat na gulat talaga siya dahil sa sinabi nito na napapayag nito ang kanyang tiyang na sumama siya sa resort na iyon at hinayaan pa na magdamag sila doon na samantalang halos ayaw nga siyang pag-day off ng kanyang tiyang.
“Teka nga ano bang pinakain mo sa tiyang ko para pumayag ng ganito kasi lumabas nga lang kami hinding-hindi niya ako pinapayagan tapos ngayon talagang pinayagan niya ako na sumama sayo at overnight pa talaga ha.” Nagtatakang tanong niya dito.
“Wala lang sinabi ko lang na tapat ako sa hangarin ko sayo at binigyan ko rin siya ng konting pakunswelo para mapapayag ko.” Nakangiting wika nito.
Nasapo na lamang niya ang ulo mukhang nakuha ng pasaway ang kiliti ng kanyang Tiyang.
ITUTULOY