“Melissa may naghahanap sa iyo sa labas.” wika ng kanyang kasamahan sa canteen.
Kumakain siya ng lunch pero bandang 2pm na iyon dahil yun lamang ang pagkakataon talaga niyang kumain dahil humupa na ang mga kumakain sa canteen.
“Sino naman daw at saka sino naman bibisita sa akin eh nasa probinsya naman ang mga magulang ko.” Kunot noong wika niya sa kanyang kasamahan.
“Malay ko doon basta bisita mo daw eh. Tapos ka naman na yatang kumain kaya labasin mo na nandoon sa may entrance ng canteen.” Sagot pa nito sa kanya.
Tuluyan na nga siyang tumayo ng umalis na ang kanyang kasamahan at minabuting puntahan na lamang ang sinasabi nitong bisita niya.
Sa totoo lang wala talaga siyang inaasahang bisita dahil ang kanyang mga magulang naman at mga kapatid ay nasa probinsya wala rin siyang kaibigan na kakilala dito sa lugar ng kanilang tiyang.
Isang linggo na rin ang nakararaan simula ng magkita sila ni Jarred. After non, wala na ring paramdam ang lalaki kaya imposible namang ito ang bisita niya.
Gaya ng ginawa nito noon wala na rin itong paramdam kahit na kinuha nito ang number niya at f*******: account.
Pero parang nais nga niyang batukan ang kanyang sarili dahil siya rin naman ang nagdesisyon na tigilan na nito ang pagkontak sa kanya. At ang pagpaparamdam nito sa kanya tama na iyong araw na iyon na nagkita sila ng hindi sinasadya.
Pero ewan ba niya dahil matapos ang pangyayaring iyon para bang naapektuhan na naman siya ng sobra. Parang bumalik na naman siya doon sa mga panahong iniwan siya ng lalaki.
Gano'n din kasi ulit ang nangyari, matapos ang isang araw nilang pagkikita, kumain pa nga sila sa labas. Matapos non wala na talaga itong paramdam pa.
Akala nga niya ay tototohanin nito ang sinabi na maghihintay ito, na ayaw na nitong mawala pa siya ulit kaya maghihintay ito.
Sabi pa nga liligawan siya pero mukhang ugali na talaga ng lalaki ang bigla bigla na lamang maglaho at hindi naman sa umaasa talaga sila, pero tama lamang din iyong naging desisyon niya na hindi na muli pang pagbigyan ang lalaki.
Kaya hindi na lamang din siya nagulat pa kung bigla-bigla na lamang itong lumayo pero para kasi sa kanya mas okay na rin iyon.
Para parehas na tahimik ang kanilang buhay, hindi yung ramdam na naman niya na nais na nitong maglaho.
Mabuti na rin na hindi siya naniwala sa pangako nito kasi kung naniwala na naman siya, aasa na naman siya sa lalaki.
Minabuti niyang tumayo na sa pagkakaupo, may 30 minutes pa sana siya para umidlip. Ganun kasing ginagawa niya mabilisan lamang siyang kumakain at saka umiidlip siya ng 30 minutes para makabawi sa puyat.
Madaling araw pa lang kasi, alas tres gising na siya para maghanda ng mga engridients ng bawat putahe. Pagkatapos naman nilang maghanda niyon ay binibigyan sana sila ng isang oras para matulog pero yung oras na iyon ay inilalaan na lamang niya sa exercise.
Nasanay na rin kasi ang kanyang katawan na mag-exercise sa araw-araw kahit na marami rin silang ginagawa sa trabaho ay hindi pa rin niya iyon ikino-konsidera na exercise.
Iba pa rin iyon talagang mag-jogging ka araw-araw, nakakawala rin kasi ng stress at nakakapagpatibay lalo ng kanyang katawan. Feeling niya ang lakas lakas niya at buhay na buhay siya sa maghapon.
Inayos lamang niya ang sarili, mabilisan lamang siyang nag lagay ng pulbos tsaka nagtungo na siya sa labas ng kanilang karinderya.
Nanag makarating siya, wala naman tao doon. May ilan pero mga customer nila iyon, kilala na kasi niya ang karamihan nilang customer.
Wala naman siyang makitang naghihintay doon gaya ng sinasabi ng kasamahan niya na may naghihintay daw sa kanya.
Kaya naman napailing na lamang siya mukhang ginu-good time siya ng kasamahan.
Pero napaka-imposible na lokohin siya nito dahil iyong tumawag sa kanya ay bihirang-bihira iyon magbiro. Wala rin yung panahon sa walang kwentang bagay kaya imposibleng mag sinungaling iyon sa kanya. Kaya lang wala naman kasi, naisip niya na baka nagkamali lang.
Patalikod na lamang siya ng biglang may bumusinang sasakyan. Napakunot noo siya tapos nilingon iyon, napasimangot pa siya dahil nagulat siya sa biglaang pagbusina nito.
“Yabang naman!” nakasimangot na turan niya sa sarili, tsaka minabuting pumasok na sa loob ulit.
“Melissa!” narinig niyang sigaw sa kanya.
Lingon na naman siya, wala naman tao, pero agad na napagawi ang kanyang paningin sa sasakyan ng makitang sumignal iyon.
Tapos binuksan na ng tuluyan ang bintana ng kotse.
Agad na kumabog ng husto ang kanyang puso ng makitang si Jarred pala iyon, simpatiko ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya.
Bumaba ito ng kotse, napaawang pa ang labi niya ng makita ang hawak-hawak nitong bouquet ng red roses at may kasama pang ballons.
Naalala tuloy niya ang mga pa-secret nitong paglalagay ng flowers noon sa upuan niya, noong panahong secret admirer pa niya ito.
“For you.” wika nito ng makalapit sa kany, sabay abot sa ng flowers at ballons na may maliit na teddy bear.
Hindi siya nakapagsalita pero inabot niya ang bulaklak.
Para bang nanariwa ang kabataan nila, iyong kilig sa tuwing makikita niya ang bulaklak sa upuan niya noon. Kaytagal ng panahon nong huli siyang makatanggap ng bulaklak, halos nakalimutan na nga niya.
Kaya naman ipokrita siya kung sasabihin nyang hindi siya kinikilig.
Pero nagtataka siya bakit nandito na naman ang lalaki, samantalang isang linggo na itong hindi nagpakita sa kanya kahit paramdam lang.
“Sorry, ngayon lang ako nakadalaw. 1 week kasi ako sa Palawan, may inasikaso lang ako doon. Hindi na rin ako nang-abala pa sa text or call baka kasi hindi mo ako pansinin, baka lang kasi mainis ka lalo sa’kin kaya okey na iyon na sa personal para wala ka ng palag.” nakangising wika nito.
“Sira ka talaga bakit ba kailangan mo pa akong bigyan ng ganito 'di ba't nag-usap na tayong dalawa na hanggang doon na lamang kaya bakit nagpakita ka pa?” Nakasimangot na wika niya dito.
Kunwari ay hindi siya natutuwa sa pagpapakita nitong iyon pero ang totoo deep inside ay natutuwa talaga siya. Akala niya ay tuluyan na itong nawala katulad ng ginawa nito noon.
“Sinabi ko naman sayo hindi ba gagawin ko ang lahat para maging okay tayong dalawa at kahit pa magalit sa akin ang boyfriend mo wala akong pakialam. Basta alam ko sa sarili ko na kaya kong agawin ka sa kanya dahil kung hindi naging maayos ang simula natin noon sisiguraduhin ko na ngayon, magiging okay na at magiging masaya na tayong dalawa.” Pahayag na naman nito.
Iniisip pala talaga nito na may boyfriend siya, pero mas mainam na rin siguro na isipin nito na may kasintahan siya kesa naman malaman nitong wala, siguradong kukulitin siya nito na magsimula ulit silang dalawa.
Mas okay pa rin pa rin na makilala niya ng husto ang lalaki bago siya magdesisyon ng isang bagay na sa tingin niya ay hindi pa siya sigurado dapat matiyak muna niya na hindi na ito katulad ng dati.
Ang hindi lamang niya maintindihan sa kanyang sarili ay kung bakit tila ba nasisiyahan siya na nagpakita sa kanya ang lalaki.
Mukhang hindi pa talaga niya ito makalimutan ng lubusan, sabagay ilang gabi na ba siyang nag-overthink. Daming gumugulo sa kanyang isipan.
Katulad ng, kung sana naging maayos na ang pag-uusap nila at pinagbigyan niya agad ito ng second chance. Nanghihinayang takaga siya, kasi akala niya ay tuluyan na naman siya nitong iniwan gaya ng ginawa nito dati.
“Dami mong kalokohan, umuwi ka na may trabaho pa ako.” pagtataboy na lamang niya dito.
“Susunduin kita mamaya ha mag-date tayong dalawa. Pinuntahan lang kita dito ng madali para-inform kita na susunduin kita mamayang gabi. Ayaw ko naman tumawag dahil matitiyak ko na hindi mo ako sasagutin.” Wika nito.
Pasaway talaga ang lalaki parang nakasarili ng desisyon hindi man lamang siya nito tanungin muna talagang para bang nakapagdesisyon na ito na susunduin siya. Hindi man lang nagtanong kung ano ang saloobin niya o papayag ko siya.
“Ano ka ba, hindi ako pwede mamaya magagalit si tiyang.” tanggi niya dito.
“Oops, hindi magagalit si tiyang dahil kinausap ko na siya. Nauna na akong nagpaalam sa kanya kanina para matiyak ko na hindi ka na makakatanggi pa.” Todo ang ngiting wika nito sa kanya.
"Naku, ikaw talagang tao ka! Kahit kailan, pasaway!" Reklamo niya dito.
Natawa na lamang ito, sabay naglakad na ito pabalik ng kotse. At kumaway na lamang, bago minaniobra ang kotse, papalayo.
Naiiling na lamang na nasundan niya ng tingin ang papalayo nitong kotse, at ng tuluyan ng mawala sa kanyang paningin. Pumasok na siya sa loob ng canteen.
ITUTULOY