Kabanata 15: Kain

1129 Words
“Nagalit ka ba sa akin noon?” biglang tanong ulit nito matapos ang ilang sandaling katahimikan. “Uhmm…Syempre, kahit sino naman siguro ang malagay sa sitwasyon ko ganon din ang mararamdaman.” tipid na sagot na lamang niya dito. Pero ang totoo, marami pa siyang mga bagay na nais itanong sa lalaki. Katulad ng bakit hindi na ito komuntak pa sa kanya after na maging okey ang kapatid nito, o kung anuman ang nangyari. At kung ano-ano pang katanungan pero naiilang talaga siya, lalo pa at may kakaibang pagtingin sa kanya si Jarred. “Hindi rin kita nakalimutan kahit isang saglit. Alam kong may kasalanan ako, alam kung dapat ay tumawag ako sayo noon, hindi ko dapat sinunod noon ang kagustuhan ni Jerold.” turan ulit nito. “Ha? Bakit, anong kagustuhan ni Jerold? Bakit siya ang dapat mong sundin, tsaka tungkol ba sa akin iyan?” kunot noong tanong niya dito. Pero umiwas ito ng tingin sa kanya. Sakto namang dumating ang kanilang order. Naguguluhan siya sa tinuran ng lalaki pero naagaw na rin ang kanyang atensyon ng tungkol sa pagkain. “Kumain ka ng marami, gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa’yo. Maayos naman na ang kapatid ko na nasa America, kasama niya doon ang aming lola at tiyahin kaya ako na lang dito sa Pilipinas. Kaya nasisiyahan akong muli tayong pinagtagpo, hayaan mo sana na makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko sayo Melissa.” pahayag nito na ikinagulat niya. “Teka, ano bang sinasabi mo diyan Jarred. Matapos ng pag-uusap na ito magihiwalay na tayo at katulad ng ginawa ko noon, kakalimutan ko ang mga pangyayaring ito. Iisipin ko na lang na magandang panaginip ang lahat, gusto ko na lamang ng payapang buhay at focus lang ako sa pagtulong sa mga magulang ko Jarred kaya please, sana ganon ka rin.” wika na lamang niya dito. Aba at mukhang may binabalak pang masama ang lalaki, tama na iyong isang beses lamang siyang nagpakatanga dito. Sabihn pan bata pa lamang sila noon pero ngayon kahit papano kaya na niyang pigilan ang nararamdaman kaya naman hindi na siya papayag pa na maloko nito. Nagulat siya ng lagyan nito ng pagkain ang kanyang plato. Lalo na ng may piraso ng karne itong kinuha gamit ang chostick at pagkuway tila isusubo nito sa kanya. “Jarred, pasaway!” saway niya dito. “Bakit? Susubuan lang naman kita. Darating naman ang panahon na gagawin ko ito palagi sayo. Kahit may boyfriend ka na, hindi pa rin ako panghihinaan ng loob. Melissa, hindi tayo noon nagbreak kaya kung tutuusin tayo pa rin hanggang ngayon. Bahala ka kung ipagtatabuyan mo ako, basta ako gagawa at gagawa ng paraan para mabawi ulit kita.” seryosong pahayag nito. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang mararamdaman dahil sa mga sinabi nito. Nananatili pa ring nakaumang sa kanya ang chopstick nitong may karne kaya naman napilitan na lamang siyang isubo iyon dahil nakatingin na sa kanila ang ilang mga kumakain din doon. “Iyan, ngayong natagpuan na ulit kia hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit sa’kin.” muling wika nito, bigla naman siyang napaubo dahil tinginan na naman ulit ang mga taong nasa may katabi lang nila. “Ano ka ba Jarred, nasisiraan ka na talaga. Kailangan mo pa talagang sabihin ang bagay na iyan dito, tsaka sinabi ko na sayo na hanggang doon na lang tayo.” muling paalala niya dito. “Hindi naman ako pumapayag sa sinabi mo Melissa, bahala na si batman pero minsan na kitang pinakawalan, pero ngayon hinding hindi na.” wika pa nito. Napasimangot na lamang siya dahil sa kabaliwan nito. Gano’n lang ba kadali dito ang magdecide, ni hindi pa nga nito nasasabi sa kanya ang tunay na dahilan o bakit hindi man lang nito naipaliwanag ang tungkol sa ayaw ni Jerold tapos akala mo makaasta ay may karapatan pa rin ito sa kanya. “Wag ka ng masungit diyan, kung noon naging madalian lang ng naging tayo dahil sa madalian mo rin na inanunsyo na tayo na. Ngayon naman, aalisin ko na ang pagkatorpe ko, liligawan kita sa paraan na gusto ko at magiging akin ka bago matapos ang taong ito.” nakangising wika nito. Napangiwi na lamang siya sa mga sinabi nito, talagang pinaalala pa sa kanya ng pasaway ang kabaliwan niya dito noon. Namula tuloy ng wala sa oras ang kanyang pisngi dahil sa pagkaalala sa katigasan ng mukha niya dati. Palagi kasi niyang naiisip iyon, napakatindi niya para magawa ang bagay na iyon, iba talaga ang nagagawa ng kapusukan. Pero nayon malabo ng mangyari iyon kahit ito pa ang nagpupursige ngayon. “Wala ring patutunguhan ang mga nais mong gawin, kahit ligawan mo pa ako. Tama na iyong isang beses lang.” kunwa’y malamig ang boses na wika niya dito tsaka nagsimula ng lantakan ang napakasarap na japanese ramen sa kanyang harapan. Natigilan ito at ilang sandaling hindi nakapagsalita. “Siguro hindi ka naniniwala sa dahilan ko kung bakit kita nagawang iwan ‘no? Kaya siguro ganyan ka sa’kin. Hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo Melissa, sa bawat araw na nagdaan lalo na noong bago pa lang tayong nagkahiwalay, umiiyak ako, umiinom pero mahalaga kasi ang kapatid ko. Mahal kita pero mahal ko din si Jerold. Pero ngayon maayos na ang lahat, pwede bang bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon?” pahayag pa nito. May lungkot din sa mga mata ng lalaki, hindi nito maipaliwanag sa kanya kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, parang may inililihim ang lalaki sa kanya. Pero ramdam niya ang katapatan nito sa sinasabi nitong nagdusa din pala ito sa pagkakalayo nilang dalawa. Akala lang talaga niya ay siya lamang ang nag-iisang nagdusa noon. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili, ang kanyang damdamin kung ano ba talaga ang nais. Pero ramdam niyang mahal pa niya ang lalaki, sa totoo lang hindi naman talaga nawala iyon kahit na nasaktan siya ng lalaki. Kaya nga siguro hindi pa lubusan ang pagmove on niya, may mga time kasi na naaalala pa rin niya ito. Palagi pa rin niyang inaalala ang mga nakaraan. “Naniniwala naman ako Jarred pero ayoko na talaga. Hindi biro ang pinagdaanan ko na lahat na lamang ginawa ko para kalimutan ka. Hayaan mo na muna siguro ako.” tanggi niya sa nais nito. Natigilan ito , ilang sandaling natahimik muna ito bago bahagyang ngumiti sa kanya. “Maghihintay ako Melissa, maghihintay ako. Sige na, kain na tayo para pagkatapos nito, ihahatid na kita sa inyo.” nakangiting wika nito sa kanya. “S-Sige.” tipid na sagot niya dito tsaka angpatuloy na sa pagkain. In-enjoy na lamang niya ang food, minsan lang ito eh samantalahin na niya. Isa pa, alam naman ni Jarred na hilig talaga niya ang kumain. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD