Kabanata 14: Ang Pag-uusap

1551 Words

“Saan ba tayo mag-uusap hindi ba pwede na dito na lamang sa may kanto? Hindi kasi ako pwedeng lumayo dahil baka magalit si tiyang ko.” Wika ni Melissa. Na noon ay nakasakay na sa kotse ni Jarred habang minamaneho naman ang kotse ng driver nito. “Diyan lang tayo sa may japanese restaurant, malapit lang naman iyon hindi ba? Doon na lang tayo mag-usap hindi nakakailang mag-usap doon ng mga personal na bagay dahil mangilan-milan lang ang tao pag ganitong oras.” Magalang na sagot naman sa kanya ni Jarred. Akala talaga niya ay maaga itong pupunta dahil sigurado, kung pumunta ito doon ng mga mga 6:00 p.m. or 7:00 p.m, hindi siya papayagan ng kanyang tiyang. Mabuti na lamang at naintindihan nito ang kanyang trabaho. Mga 8pm siya nito sinundo, sakto naman na pauwi na sila dahil ubos na ang pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD