DEVILLAINE ROMO FIACRA NASAKSIHAN ko ng paano nabato sa kinatatayuan si Gideo. Parang nanigas bigla ang kan'yang katawan at hindi naka-galaw sa loob ng ilang segundo. Iniwasan s'ya ng tingin ni Devillion. Kitang-kita ko talaga na nanlumo s'ya sa sinabi ng anak ko. "Sige po, may gagawin pa po ako. Aakyat na po ako sa loob ng kuwarto ko at magsisimula na ang online class. Please excuse me po." Bahagya pang niyuko ni Devillion ang kan'yang ulo sa harapan ni Gideo na tuluyan nang na-istatwa ngayon. Nilagpasan s'ya ng anak ko at dali-daling humakbang palapit sa aking kinaroroonan. "Nanay, aakyat na po ako." Saglit s'yang tumigil sa harapan ko. Inalis ko muna ang aking atens'yon kay Gideo. Pinantayan ko ng tingin ang anak ko. "Sige, 'nak. Usap tayo mamaya. Mag bihis ka na." Tinanguan ako n

