“Good morning.” At narinig na nga namin ang boses ni Boss Gideo. Binalingan ko agad s’ya ng tingin sa naka-bukas na pinto. Naglalakad na s’ya patungo sa mesa. “Maupo ka po rito, Boss.” Tinuro ko naman kung na saan ang upuan na naka-puwesto sa harapan namin ni Devillion. Binati naman kaagad s’ya nina Jessie at Sir Harold habang may niluluto pa rin sa kalan. Hinila rin ni Gideo ang upuan saka umupo roon. Napa-salin kaagad ang atens’yon n’ya kay Devillion. “Good morning, Devillion,” marahang bati n’ya sa anak ko. “Magandang umaga rin po, Boss,” magalang na tugon ni Devillion. Napa-ngiti si Gideo pero halatadong hilaw ‘yon. “Naka-tulog ka ba ng maayos kagabi?” Tinanong n’ya ulit ang anak ko. “Hindi po gaano. May nakita po kasi akong kapre na naka-tayo po sa harap ng kama ko,” mabilis na

