TAHIMIK naming tinahak ang ikatlong palapag. Wala akong ibang naririnig na mga ingay ‘kun ‘di ang aming mga yabag na umuugong sa buong sulok ng hallway. Nasa gilid ko lang s’ya habang sinasabayan ang aking mababagal na mga hakbang. Sinusundan n’ya lang ako. Tumigil ako sa harapan ng pintuan ng kuwarto ni Devillion. Kinapitan ko ang bilog na door knob at dinahan-dahan kong binuksan. The door slowly creaked. Gumawa ako ng sapat na espasyo para makapasok kaming dalawa. Doon naman kami lumapit sa kinaroroonan ng kama, sa kaliwang bahagi kung saan naka-harap si Devillion. Tumigil kami ni Gideo. Kaagad ko s’yang sinulyapan dito sa tabi ko. Nasilayan ko na naka-baba na ang kan’yang tingin habang pinagmamasdan ang natutulog na imahe ng anak ko. Napapatikom s’ya ng bibig habang tinititigan si

