CHAPTER 3

3276 Words
UMALIS na kami sa private room ng guest. Para kaming mga robot na naglalakad habang tinatahak ang kahabaan ng hallway. Makikita ko sa mukha ni Jessie na gustong-gusto na n’yang tumili kagaya ko pero hindi namin magawa-gawa ‘yon dahil may mga matang naka-tingin. I mean, someone was watching us from CCTV screens. Mapapagalitan kami ‘pag umakto kaming mga unggoy na nagwawala. We must act graceful, decent, and polite all the time. Sumakay kami ng elevator. “Akin lang s’ya ha,” mariing usal ko. “Kailan pa naging sa ‘yo si Boss Gideo?” natatawang sambit ni Jessie. Binalingan ko s’ya ng nagtataray na tingin dito sa tabi ko. “Ngayon lang. He is mine. ‘Wag na ‘wag mong tatangkain na agawin s’ya sa ‘kin dahil ‘pag ginawa mo ‘yon, sasabunutan kita hanggang sa mapanot ka kagaya ng butler natin,” seryosong pagbabanta ko. “Nako, Devillaine. Interesado ka na agad kay Boss Gideo?” “Why not? He is single, right?” Hindi muna namin tinuloy ang usapan dahil bumukas na pahati ang pintuan ng elevator. Dinala kami sa floor 2. Humakbang kami paalis sa loob at tinutungo naman namin ngayon ang short cut papunta sa kusina without entering the dining room. Pagdating namin doon, si Jessie na ang nag-prepare ng kape ni Gideo gamit ang coffee maker. Ako ang nag-insist na dalhin ‘yon sa kuwarto ng guest. Hindi naman ako papayag na s’ya ang maghahatid doon. “Single nga s’ya pero hindi ka ba nagtataka kung bakit?” Naka-sandal lang ako sa gilid ng kitchen table. Pinagmamasdan si Jessie na naka-talikod habang nagtitimpla ng kape. “Ano naman ang nakapagtataka roon? He just said earlier that he is just busy kaya wala s’yang time makipagrelasyon,” depensa ko naman. “Sa edad n’yang ‘yon, halatang maraming babaeng nabigo na akitin s’ya. Ang yaman n’ya kaya so ibig sabihin, hindi rin basta-basta ang mga girls na nagka-gusto sa kan’ya. Imposibleng maakit mo ang lalakeng katulad ni Boss Gideo. Sinasabi ko na agad sa ‘yo, Devillaine.” Natawa ako ng pagak. “Wala ka bang matinong motivation d’yan?” “Basta kung ano man ang pinaplano mo, hindi ‘yan uobra sa mayamang guest natin. ‘Wag kang assuming.” I rolled my eyes. “Sinasabi mo lang ‘yan dahil ikaw ‘yong walang pag-asa sa kan’ya dahil mas maganda ako sa ‘yo.” She chuckled. “No thanks na lang. Hanggang pantasya lang ako sa gan’yang klaseng lalake. Hindi na ako lalagpas sa boundary na ‘yan. Ewan ko lang sa ‘yo kung ano ang balak mo.” Ang balak ko? Balak kong magpabuntis. Kung nabuntis n’ya na ako, wala na s’yang kawala pa at mapipilitang panagutan ako. Well, hindi ko rin masabi dahil malay ko ba kung ma-fall s’ya sa ‘kin. Kahit mukha lang akong dukha pero may mga ibubuga naman ako ‘no. Maganda ako at lalong mas maganda ang katawan ko. Marami-rami na rin akong binusted na mga lalake dahil mataas ang standards ko. And, Gideo is my standard. “The coffee is ready. Ihatid mo na ‘to sa silid n’ya.” Hinarap na ako ni Jessie. Kapit-kapit ng mga kamay n’ya ang golden round try. Nakapaloob doon ang isang tasa ng black coffee, modern teapot na naglalaman ng gatas at tatlong stick ng asukal. Umalis na ako sa pagkakasandal sa gilid nitong mesa at humakbang palapit sa kan’ya. Kinapitan ko na ang both sides ng tray. “Hinay-hinay lang sa guest natin ha?” Inirapan ko s’ya. “Wala kang pake,” pagtataray ko at umiling-iling na lang s’ya sa ‘kin. “Ang sama talaga ng ugali mo sa ‘kin.” Duh, makapagsalita akala mo wala s’yang atraso sa ‘kin. Hindi ko nakakalimutan ang ginawa ng babaeng ‘to last year. Kinaltasan ba naman ang sahod ko galing sa pinagpaguran kong overtime. Akala n’ya siguro hindi ko binilang ang araw ko kaya simula no’n, tinatarayan ko na s’ya. I don’t even consider her as my friend and I don’t have any friends. Wala naman akong pakealam dahil mas’yado na akong independent. Ayos lang sa ‘kin na walang kaibigan dahil aksaya lang ng oras at isa pa, may mga traumatic experience rin ako noon kaya matagal ko na’ng sinarado ang libro ko sa friendship-friendship na ‘yan. Nakikisama lang ako kay Jessie dahil s’ya kasi ang source minsan ng legit na chismis. S’ya lang ang naging kasundo ko sa mga katrabaho ko dahil natitiis n’ya ang mala-basura kong ugali kaya hinahayaan ko na lang s’yang makisama sa ‘kin. “Hello sir,” magalang na bati ko pagkapasok ko pa lang sa private room. “This way, Miss Devillaine.” Narinig ko ang mahinahon at malalim n’yang boses sa kaliwang bahagi ng silid. Naka-hawi na ang makakapal na puting kurtina at naka-bukas na rin ang sliding door. Labas-masok ang malakas na hangin na lumilikha pa ng sumisipol na tunog. Pinapaligiran ng tubig-dagat ang islang ‘to kaya mahangin talaga sa lugar na ‘to. Napa-ngiti ako dahil nalanghap ko pa ang pabangong naaamoy ko mula sa kan’ya kanina pa. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang matapang na perfume na ‘yon. Pagkapasok ko sa naka-bukas na pinto, med’yo nabigla ako dahil nakita ko s’yang naka-upo sa modern chair habang pinupunasan ng malinis na white towel ang isang baril. Hindi ko pinahalatang nagulat ako dahil naka-lapag pa ang iba’t ibang parts sa ibabaw ng mesa. Including they called bullets and magazines. Hindi ko alam kung anong klase ang iba pang mga baril ang naka-balandra roon. Bakit kaya may mga ganito s'ya? Hindi kaya terorista ‘to? Pero ‘di bale na dahil handa akong sasama sa kan’ya kahit ano man s’ya. “Totoong mga baril po ba ‘yan?” paninosenteng tanong ko. I knew that those guns were real. They looked too authentic. “Yes, I brought them with me… just in case of emergency.” Luh, paanong magkaka-emergency kung nasa gitna naman kami ng isla? Napapatanong tuloy ako sa isip kung may konektado ba sa trabaho n’ya itong mga baril dahil ang dami n’yang dala. Isa-isa kong nilapag sa circular table ang lahat ng laman ng tray. Binaba ang tray sa mga hita ko banda at pinagmasdan ang ginagawa ni Gideo. Parang hindi s’ya nakakaramdam ng lamig. He was wearing a sleeveless black shirt and cargo white pants. Tahimik akong nag-s-sightseeing. Nakakaganang pumasok araw-araw kapag ganito lagi ang nadadatnan ko. He was gently scrubbing the handgun. Nahiya naman ang baril sa kan’ya sa laki ng mga kamay n’ya. Those veiny hands seem like experts. Tila marami ring pinagdaaan ang mga kamay n’yang ‘yon dahil sa bumabakat na kaugat-ugatan sa likod ng kan’yang palad at konektado pa sa mga braso. His arms are hairy. Buti na lang, straight ang balahibo n’ya at hindi nagmumukhang bulbol. Hindi ko na masilip sa puwestong ‘to ang kan’yang mga binti pero nahagip ko kanina na mabalahibo rin. Look at those elegant lines along his bulky muscles. Ang mga maskulo n’ya sa upper arm. I am really wondering what kind of ‘job’ he’s been working on. He looks like a military or more than that. Napapaisip ako kung sundalo ba s’ya o terorista. “Are you afraid of guns?” Despite his intimidating looks, kahit kasing tigas ng bakal tignan ang kan’yang pangangatawan, kabaliktaran naman ng boses at the way na makipaghalubilo sa ‘min. He is not cold. Hindi s’ya arogante. Kakaiba s’ya sa mga guest na ang sensitibo. Akala ba naman nakakababa ng pagkatao ang pakikipagusap sa ‘min. They are mostly rude. Mahahalata ko agad kung masama ang ugali ng guest namin. Base ‘yon sa boses. Magaspang, walang kabuhay-buhay at malamig. “H-Hindi naman po, Boss pero… ‘wag n’yo lang itutok sa ‘kin,” pagbibiro ko. He chuckled. Tingan mo nga, nakikitawa pa sa ‘kin. Hula ko, mabilis lang ‘to i-trap sa patibong ko. Nagiisip na ako ng plano. “Puwede po ba ulit mag-tanong?” “Of course,” mabilis n’yang tugon. Ang bait talaga. “Ah… ano po ang work n’yo?” Bigla s’yang napa-tigil sa pagpupunas ng hand gun. “I have been working in an organization that is illegal.” Akala ko, hindi n’ya ako sasagutin pero hindi man lang nag-preno ng bibig. Gayun pa man, nakukulangan ako sa sagot n’ya. “Organization? Ano pong klase? Terorista po ba kayo?” malumanay kong sambit. Mahina s’yang humagikhik na tila ba natuwa sa mga tanong ko. “Nope… We are far worse than that.” Napa-ngiti ako ng hilaw. Mas malala pa roon? Wala na akong maisip. “May mas nakakatakot pa pala kaysa sa mga terorista?” Bigla akong nabato sa kinatatayuan na’ng sinalubong ako ng mapupungay n’yang mga mata. “Yeah, like Mafias.” Kumurap-kurap ako ng ilang beses dahil parang ilang segundo akong nahipnotismo sa titig n’yang ‘yon. Ang lakas na pala ang pag-t***k ng puso ko. Grabe naman, tinitigan n’ya lang ako pero parang maiihi na ako. “H-Hindi ko po alam ‘yan ‘eh. Ngayon ko lang narinig ang word na ‘yan.” He curved his lips. “Then, good.” “Are you… bad guys by any chance?” tanong ko ulit. Kung mas masama pa sa mga terorista, ang ibig sabihin lang no’n, mga masasamang damo rin sila. “Yes.” Napa-lunok ako ng pilit sa sagot n’ya. “But we have roles, rules, obligations, responsibilities, and laws to control our people—in a good way. Naka-depende sa lider na uupo sa posisyon. Kung maganda ang kan’yang patakaran at pamamalakad, ganoon din ang kan’yang nasasakupan. As of now, we have a peaceful era. Sana tuloy-tuloy na.” “Sinabi n’yo po na illegal organization. Ibig sabihin, bawal… so… ano po ang mga bawal na ginagawa n’yo? Mga mamamatay tao po ba kayo?” He shrugged his shoulders. “Not necessarily,” he responded. “As you can see, I got loads of guns here and that’s our dirty business. We are the biggest suppliers of illegal guns, bombs, and other destructive weapons around the world.” Napa tango-tango naman ako. “Before, we also exploited women and sold human organs for extra income but now, tinanggal na namin ang ganoong uri ng gawain because it’s very brutal.” Nanlamig ako sa sinabi n’ya sa ‘kin. “G-Ganu’n po ba…” Natawa ako ng hilaw. “H-Hindi po ba kayo natatakot na baka masumbong ko kayo dahil open na open kayo sa ‘kin para isalaysay ang tungkol sa organisasyon n’yo?” “Nope... because I know, you can’t do that, right?” Parang ma-d-dislocate na ang panga ko dahil hinuli n’ya ulit ang aking mga mata. He was staring directly into my soul. Walang pinapakitang malisya ang pagkakatitig na ‘yon pero bakit ako tinatayuan ng mga balahibo? “Right?” Bumalik ako sa katinuan na’ng bigla s’yang nagsalita dahil ilang Segundo akong natameme. Saglit na humupa ang pag kurba ng mga labi n’ya at hindi inalis ang mga matang parang pinipilit na pinapalayas ang kaluluwa ko sa katawan. Why do I feel like I am getting intimidated here? “H-Hindi po… bakit naman ako magsusumbong? Isa pa, private conversation po natin ‘to. I respect the guest’s privacy.” He immediately curved his delicate lips. “Good.” Naka-hinga ako ng maluwag dahil sumigla ulit ang facial expression n’ya. “Iyan ang gusto ko, mabilis kausap. Quick-witted,” komento n’ya sa ‘kin na ikinatikom ng kumukurba kong bibig. He is kind of creepy but I don’t care. I can feel that he is a good person and that he can’t harm anyone. “Anyway, is there any ATM here? I ran out of cash. Para maibigay ko na ang tip n’yo.” “Sa ground floor po, Boss. Sa likod ng front desk.” “Thank you. Bababa muna ako.” Tumayo s’ya sa pagkakaupo. “Please wait for me. I’ll be back.” Umalis sa kan’yang puwesto at nag-lakad patungo sa naka-bukas na sliding door. “Bilisan n’yo po, baka lalamig ang kape n’yo.” Sumangayon s’ya sa binilin ko. Na’ng mawala ang presens’ya n’ya rito sa loob, napapakagat labi ako. I couldn’t help to imagine, paano kaya kung ma-fall talaga s’ya sa ‘kin? Sigurado akong sisikat ako at sasama na ako sa kan’ya. Una, magpapasipsip muna ako. Magpapakitang gilas at paunti-unti ko s’yang aakitin. Habang nag-d-day dreaming sa balcony, lumipas ang ilang mga minuto, naka-balik na ang future husband ko. “Here’s your tip.” Naka-harap na kami sa isa’t isa. Inaabot n’ya sa ‘kin ang med’yo makapal na kulay sky blue na pera. “And share this with everyone.” Inangat n’ya pa ulit ang kanang kamay. Hawak-hawak n’ya rin doon ang perang kapareho ng kulay sa kabila. “S-Sa ‘kin lang po ‘to lahat?” Sabay tinuro ang left hand n’ya. “Yes, Miss Devillaine. Isang bagsakan ako mag-bigay ng tip.” Napa-awang ang bibig ko. Grabe, libo-libo ang ibibigay n’ya sa ‘kin! “S-Salamat po talaga, Boss… malaking tulong talaga ‘to sa ‘min…” Kinuha ko na sa mga kamay n’ya ang pera. Yumuko pa ako ng 90 degree angle para maipakitang grateful talaga ako. “You are welcome. You may go now and I will take a bath.” Tumayo ako ng tuwid at nginitian s’ya ng matamis. “’Pag kailangan n’yo po ako, ako lang ang tawagin n’yo ha? Darating ako agad.” He nodded. “It goes without saying. I am already comfortable around you.” Pak, kinuryente ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa. “I like hardworking people. Isa ka na roon. Tinutulungan ko sila hangga’t sa nais ko.” “Ang bait-bait n’yo naman, Boss. Para kayong anghel na bumaba sa lupa… Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng guest na may binigay na tip sa ‘min at hindi lang ‘yan, sobrang laki pa.” He chuckled. “You flatter me, thank you,” marahang usal n’ya sa ‘kin. “Sige po… bababa muna ako sa headquarters para mabigay ko na ‘tong tip.” “Go ahead and enjoy.” Nagpaalam na ako kay Gideo. Na’ng maka-labas na ako sa kuwarto n’ya, sinara ko agad ang pinto at sumandal doon. Nilawayan ko muna ang kanang hintuturo at hinlalaki ko bago binilang ang separate tip para sa ‘kin. “One… two… three… four… five…” Pinagpatuloy ko pa ang pagbibilang. “Oh my goodness! Sinkwenta mil! Fifty thousand!” Patili kong usal sa mahinang boses at tumalon-talon pa talaga ako sa tuwa. I never had this huge amount of money! As in, ngayon lang! “Hindi ko ipapaalam sa panot na binigyan ako ng tip at baka malaman ng mga palamunin.” Kakilala kasi ng mga kuya ko ang butler namin. Dapat akong magiingat. Hindi nila dapat malaman na nagkaroon ako ng malaking pera dahil alam kong iwawaldas lang nila ang kalahati. “Ang galing mo, Devillaine! Tigiisang-libo kaming lahat!” Napagalaman kong fifty thousand din ang binigay ni Gideo sa kanila pero panis sila sa ‘kin dahil buong 50k ang nasa bulsa ng apron ko ngayon. “Ikaw, magkano ang nakuha mo?” Naguumpukan kami ritong lahat sa headquarters. Wala pa ang iba naming mga kasamahan pero si Jessie na ang bahalang mag-bigay ng kota nila. “2k ang tip ko,” tugon ko sa nag-tanong sa ‘kin na kapwa ko servant. “Wow… sana pala ako ang humarap sa guest natin—“ “’Wag mong subukan at baka masabunot kita ng bongga,” pagbabanta ko na ikinatikom ng bibig n’ya. “Nangako na sa ‘kin si Boss Gideo na… ako lang ang tatawagin n’ya kaya ‘wag na ‘wag kayong sumubok na agawin ang puwesto ko kung ayaw n’yong makatikim ng pagkademonyita ko.” May nahagip akong may mga nagbulungan sa sinabi ko pero tinataasan ko lang sila ng kilay. “’Pag kumasa kayo sa ‘kin, babawiin ko ang tip n’yo.” “Tama na nga ‘yan. Walang aagaw sa kan’ya, Devillaine. Wala kaming lakas ng loob kagaya mo.” Inawat ako ni Jessie na naka-tayo rito sa tabi ko. Binalingan ko s’ya ng tingin at inikutan ng mga mata. Umalis na ako sa headquarters. Aabangan kong matapos si Gideo na naliligo ngayon sa loob ng bathroom. Nag-vacuum na lang ako sa hallway ng floor 5 at para mabantayan na walang aaligid sa kan’ya. Hindi ako puwedeng pumasok sa kuwarto ng guest na walang paghintulot. Hindi na lumabas si Gideo pagkatapos ng araw na ‘yon. Baka nag pahinga na kaya nag-out na ako. Hindi na muna ako umuwi sa bahay dahil pumunta talaga ako sa fast food restaurant para kumain. Minsan lang sa isang taon ako makakakain ng ganoong klase ng pagkain at binusog ko talaga ang sarili ko. Halos isang libo ang nagastos ko roon pero sulit na sulit naman. “Bakit ngayon ka lang, Laine?” Pag-uwi ko sa bahay, naka-abang na ang apat kong mga palamunin sa bungad ng pinto. Med’yo late na nga ako ngayon kaysa kahapon. “May tinignan lang saglit,” tinatamad kong tugon saka nilagpasan silang apat. Patungo ako sa hagdan para maka-akyat na sa kuwarto ko. “Hindi ka ba kakain?” Napa-hinto ako sa ilalim ng unang andana ng hagdan. “Ano ba ang ulam?” “Pritong talong.” At hate ko pa talaga na gulay ang niluto. Panigurado akong ilang piraso na naman ang tinira sa ‘kin. “Hindi ako gutom,” tugon ko. “Hindi ka gutom dahil kumain ka na sa labas,” sambit ni Kuya Lino. “Nangangamoy gravy ka,” natatawang wika naman ni Kuya Devon. “Ang sabi sa ‘min ni Simon, may tip ka raw. Dalawang libo.” See? Ang lalakas ng mga radar ng mga ‘yan. Nalaman kaagad na nagkapera ako. “Amin na ang isang libo,” dagdag pa ni Kuya Limo. “Sige, mamaya ko na ibibigay. Magbibihis muna ako.” At humakbang na ako paakyat ng hagdan. “Bili ka alak, ‘tol.” “Ano pulutan natin?” “Chichirya kahapon. Letchon manok naman ngayon para mas masarap.” “Liro, bili ka rin ng isang kahang yosi.” Huminga ako ng marahas habang pinapakinggan ang mga usapan nila. May panginom na naman ang mga freeloaders. Kung nalaman lang ng panot na ang laki ng tip ko, malamang may bente sinco mil ‘tong apat. Pagdating ko sa kuwarto ko, tinago ko agad sa punda ng unan ko ang pinera ko. Hindi puwedeng sa drawer o cabinet ko ‘to itago dahil minsan, naghahalungkat ang mga palamunin sa mga gamit ko para mag-hanap ng barya pambili ng paisa-isang stick ng sigarilyo. Excited na excited na akong mag-trabaho bukas dahil makikita ko naman ang future husband ko. Kinaumagahan, good mood na good mood ang demonyita dahil ang ganda ng mga kaganapan kahapon. At dahil maganda ang kondisyon ng ating utak, hindi ako nalate. Nakapag-attendance ako ng maaga. “It’s a miracle, you made it on time.” Kakatapos ko lang mag-fill up ng attendance sheet dito sa loob ng headquarters at may nag-salitang panot sa likuran ko. Nilapag ko na ang ballpen sa ibabaw ng log book at hinarap ang butler. Ang una kong napansin ang ilaw ng chandelier na nag-reflect sa tuktok ng panot n’yang ulo. Puwede ka ngang manalamin do’n. “Good morning, Sir,” magalang na bati ko kuno at nag-lakad paalis. Nilagpasan ko s’ya. Nakakasura makita ang pagmumukha n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD