CHAPTER 4

2132 Words
NANG maka-labas na ako sa silid na ‘yon, napa-alerto ako dahil nakita ko agad ang namamayagpag na presens’ya ni Gideo! Palabas s’ya sa exit! “Magandang umaga, boss!” I greeted him politely. Bago s’ya maka-labas sa automatic sliding door, tumigil s’ya saka humarap. Patakbo akong nag-lakad patungo sa kan’yang kinatatayuan. “Saan po ang punta n’yo?” tanong ko na’ng huminto ako sa harap n’ya. “I will visit the village outside of this island. My tour guide is waiting for me so I have to go now.” “Ganu’n po ba? Kailan po kayo babalik?” I was wearing a smiling face while staring at him. “I’ll be back before lunch,” pormal n’yang tugon. “Sige po, hihintayin ko kayo.” He nodded. “Ingat!” “Thank you, Devillaine,” marahang usal n’ya sa ‘kin. Nginitian pa ako bago tinalikuran at nag-lakad paalis. Gustong-gusto ko na talaga s’ya. Hindi barat sa pera at hindi rin tinitipid ang ngiti. “Good morning, Boss!” binati rin s’ya ng mga garbage collectors sa labas. “Good morning.” He even waved at them. He is so friendly and approachable. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kan’ya habang naglalakad s’ya sa puting buhangin. May yacht na’ng naghihintay sa kan’ya. Na’ng maka-pasok na s’ya sa loob, doon lang din ako tumalikod. I smirked. “My plan will begin today…” I let out a devilish chuckle. Na’ng kumpleto na ang lahat ng fifty servants, doon isa-isang binigay ng butler ang mga trabaho namin ngayong araw. Naka-toka akong linisan ang mga balcony pool sa bawat palapag. Kasama ko na naman si Jessie dahil alam naman ng panot na ‘yan na s’ya lang ang kaisa-isang nilalang na kasundo ko sa trabaho. Kinakailangan kong tapusin from floors 3 to 5. Dapat maaabutan ako ni Gideo sa silid n’ya. Dapat akong magmadali. “You never heard about mafias?” Inumpisahan ko na ang trabaho. Nasa unang kuwarto na ako ng floor 3. Kapit-kapit ko ang magaan na stainless steel stick. Nasa dulo no’n ang net. Ginagamit namin ‘to para makuha ang kung anong dumi na lumulutang sa ibabaw ng kulay asul na tubig. “Hindi. Malay ko ba kung ano ‘yan at kanina ko lang nalaman,” sagot ko kay Jessie. “Ano kaya ang position ni Boss Gideo? May mga rank ‘yan sila.” “Wala akong pake.” “Ano ang plano mo kan’ya, Devilliane?” na-c-curious na tanong n’ya sa ‘kin . “Wala kang pake.” Huminga s’ya ng malalim. “Basta, binalaan na kita. Hinay-hinay lang dahil kakakilala mo lang sa guest natin. Malay ba natin na nagsisinungaling ‘yan. For example, may asawa na pala pero tinatago n’ya lang.” Hindi ko pinapansin ang mga sinasabi ni Jessie dahil na-d-distract ako sa mga plano ko mamaya. Maka-lipas ang halos apat na oras, sa wakas, naka-pasok na ako sa silid ni Gideo. Hindi pa s’ya nakarating. Sinadya kong iniwang naka-bukas ang pinto n’ya pati na rin ang sliding door para marinig ko na may paparating. Kumuha ako ng malinis na scrub. Pumuwesto ako sa balcony pool. Mag-l-lunch time na kaya pinapaigting ko talaga ang pandinig ko para ready na ako sa unang step ko. I was wearing a sky blue mid-length sleeve fitted polo shirt and stretchable pencil skirt above the knee. Isa-isa kong tinanggal sa pagkakabutones ang tatlong black buttons. I did that to reveal my cleavage. Mas lalo ko ring tinaas ang skirt ko para ma-expose ang maputi at nakakasilaw kong mga hita. “Tingan nga natin kung hindi s’ya mapapatingin sa mga asset ko,” mahinang usal ko habang mahinang humagihik. Aalis sana ako saglit para matingnan ang hitsura ko sa salamin pero narinig ko na lang na may sumisipol. Kahit mahina, ume-echo pa rin sa hallway at alam kong s’ya na ‘yon. Binagsak ko agad ang mga tuhod ko sa sahig habang naka-tagilid ako sa harang ng pool. Umakto akong kinukuskos ko ang tiles na harang habang pinapakinggan ang papalapit na papalapit na mga yabag. I knew it was him. Hanggang sa nasilayan ko na nga s’yang pumasok sa loob ng kan’yang kuwarto. Hindi n’ya agad napansin na may tao rito sa balcony kaya pasimple akong tumikhim. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano s’ya napa-tingin dito. Imbes na sa bathroom s’ya patungo, umiba ang kan’yang landas. Humakbang s’ya palapit sa sliding door. “Devillaine, you are still working? It’s almost time for lunch.” Umakto pa akong pinupunasan ang noo ko gamit ang likod kabila kong kamay kahit hindi naman ako pinagpapawisan. “Kailangan ko pong tapusin ang trabaho ko ‘eh,” nahihingal kong sambit. Yumuko-yuko pa ako pa i-scrub ang ibang part ng pader nitong swimming pool para masilayan n’ya ang pinapakita kong cleavage. Bumubukaka pa ako para mapansin n’ya ang maputi kong mga hita. Palihim ko s’yang sinulyapan dahil natahimik s’ya bigla. Ang akala ko, naka-titig s’ya sa ‘kin pero naka-focus pala ang atens’yon n’ya sa case ng golden Tabaco. Kumuha s’ya ng isang sigarilyo roon. Inipit sa mga labi saka may dinukot sa bulsa ng shorts n’ya. Lighter pala ang kinuha. Diniin ko ang panga ko na’ng sinindihan n’ya na ang dulo ng sigarilyo. “Oh, sorry.” Inalis n’ya saglit ang sigarilyo sa mga labi n’ya at tumitig sa ‘kin. “You may continue your work later. Malalanghap mo ang usok ng sigarilyo ko.” Ngumiti ako ng hilaw. “O-Okay lang po, Boss. Open area naman po rito at makakalabas naman ang usok.” Kahit ayaw-ayaw kong maka-singhot ng amoy no’n, willing akong mabugahan kahit sa mukha pa. Basta si Gideo, hindi ako aangal. “No, secondhand smoke is still dangerous. Take a break for a while.” Ni hindi man lang n’ya napansin ang mga pinapakita ko sa kan’ya. Nanlumo tuloy ang boobs at legs ko. “S-Sige po, Boss.” Tumayo na lang ako na sinamahan ko ng malalim na buntong hininga. Pumasok na s’ya rito sa loob ng balcony saka umupo sa sofa. Hindi gumana ang pagpapapansin natin. Naiirita na agad ako. Walang epek sa kan’ya ang mga pasilip ko. Hinihintay pa yatang mag-hubad ako sa kan’yang harapan. “Oh, bakit gan’yan ang mukha mo?” Oras na ng tanghalian kaya bumaba na lang ako sa pesteng headquarters namin. Kumakain na ang mga kasamaman ko sa dulo nitong malawak na silid. May mga mesa at upuan roon. Nandito naman ako sa harapan ng water dispenser. Padabog kong tinapat sa cold water ang disposable cup. Hinintay kong malagyan ng malamig na tubig saka ininom ng isang lagukan lang. Muntikan pa nga akong mabulunan. “Ayos ka lang ba?” tanong sa ‘kin ni Jessie. “Mukha ba akong okay?!” singhal ko sabay hinarap s’ya. Tinitigan n’ya ako pababa-pataas. “Hindi,” mabilis n’yang tugon. “That is why I am asking you. At bakit gan’yan ang polo mo?” Sabay tinuro ang naka-luwa kong dibdib. Marahas kong tinapon ang cup sa trash can at mabilis na inayos pabalik ang mga butones. “Wala! ‘Wag mo akong pansinin dahil mainit ang ulo ko!” bulyaw ko sa kan’ya. “Lagi naman mainit ang ulo mo,” natatawang tugon n’ya sa ‘kin. “Hindi ka aalis sa harap ko?” Tinaasan ko s’ya ng kilay kaya huminto agad s’ya sa pag-tawa at tinikom ang bibig. Tumalikod na sa ‘kin at tinungo kung saan s’ya pumuwesto para lumamon. Huminga ako ng marahas. Parang mahihirapan yata ako nito ah. Ang taas pa naman ng expectation ko kanina. Akala ko maaakit ko na s’ya pero wala man lang akong nakitang reaks’yon na na-turn on s’ya kung sakali. “This means, I have to push harder…” HINDI na nag-pakita sa ‘min si Gideo. Nag-kulong ulit sa loob ng kan’yang silid. Hindi ako maka-porma kung nandoon s’ya sa loob ng kuwarto n’ya. Bukas na naman ako gagawa ng paraan. Aagahan ko na lang. Na’ng nag-out na ulit ako sa trabaho, kahit may pera ay hindi talaga ako gumala sa kung saan. Diretso akong umuwi sa bahay. Nag-luto ako ng pritong itlog dahil hindi ako tinirhan ng ulam ng mga palamunin. Pagkatapos lumamon, nag asikaso ng sarili at natulog na. Alas tres ako ng umaga nagising. Umalis ako ng bahay, alas kuwatro pa lang kaya nangunguna talaga ang pangalan ko sa attendance namin. Doon ako mag-v-vacuum sa labas ng kuwarto si Gideo. Pag-dating ko roon, sarado pa talaga kaya nag-linis na muna ako habang wala pa s’ya. Tumagal siguro ng ilang oras ang pananatili ko sa hallway na ‘to. Wala na’ng mahihigop ang vacuum ng kahit konting alikabok. “Devillaine? You are working already? This early in the morning?” Nagpalakpakan kaagad ang mga tainga ko na’ng marinig ang boses ng lalakeng inaantay ko. Tumayo muna ako ng tuwid at pinatay ang vacuum cleaner. Dahan-dahan ko s’yang hinarap. Nasilayan kong naka-tayo s’ya sa bungad ng naka-bukas na pintuan. May kapit-kapit na isang tasa ng umuusok na kape habang ang kaliwa n’yang kamay, naka-baba ‘yon sa gilid ng kan’yang hita. May sigarilyong naka-ipit sa hintuturo at middle finger n’ya. Pati ‘yon, umuusok. I don’t mind if he is a smoker. Mapagtiisan ko naman. “Y-Yes, Boss,” maikling tugon ko. “Don’t exhaust yourself too much, young lady.” “May extra income po kasi ‘to. Sayang naman kung papalagpasin ko pa.” Kahit wala man lang talaga. Sabi ko lang ‘yan para maawa s’ya sa ‘kin. “May… pupuntahan po ba kayo ngayong araw, boss?” “Yeah. Nais kong mag-sunbathing sa dalampasigan. Do you want to go with me?” Biglang lumiwanag ang aking paningin. “O-Okay lang po ba?” He nodded. I felt like he was asking me for a date already! “I might need your company there.” Nabawasan ng konti ang pag-kurba ng mga labi ko. Ilang segundo kong nakaligtaan ang trabaho ko. Ang assuming ko naman. “I will, boss!” masiglang tugon ko. Umalis muna si Gideo sa kuwarto n’ya. Med’yo matagal s’yang nawala at ako naman ‘tong naiinip sa kakahintay. “Hoy, Devillaine.” Narinig ko ang boses ni Jessie. Nilingon ko s’ya at kakalabas n’ya lang sa elevator. “What?” tugon ko sa mataray na paraan. “Tawag ka sa labas.” Napa-alerto agad ako sa sinabi n’ya. “Hinahanap na ba ako ni Boss Gideo?” Tumango s’ya kaya tumakbo agad ako palapit sa kan’yang kinaroroonan. Pabagsak ko pang nilapat ang vacuum sa dibdib n’ya at kaagad n’yang hinawakan para hindi malaglag. Pumasok na ako sa loob ng elevator at bumaba sa ground floor. Nagmamadali akong lumabas. Hinanap ko agad si Gideo. Hindi nag tagal, nahagip na s’ya ng matatalas kong mga mata. It’s almost 7 am. The sun is out. I saw him lying on a beach bed under the tall coconut tree. Pinapaligiran kasi ng mga puno ng buko ang islang ‘to. “Boss Gideo! I am here!” Tumakbo ako palapit sa kan’yang kinaroronan. Na’ng marinig n’ya ang boses ko, dahan-dahan s’yang umupo at tinaas n’ya saglit ang black tinted eyeglasses n’ya. Habang papalapit sa kan’yang kinaroroonan, hindi ko mapigilang mapa-tingin sa pinapasilip n’ya sa ‘kin. He was wearing a plain white button-down shirt and a pair of loose beach shorts. Naka-tanggal ang lahat ng mga butones kaya kitang-kita ko talaga ang dapat na makita. That broad chest, bulky abs, and hairy lower abdomen. Nakakalaway naman. Hanggang tingin lang talaga ako ngayon. “Can you massage my back?” Muntikan na akong matalisod na’ng huminto ako sa harapan n’ya. Bahagya akong nahihingal. May dinampot pa s’yang massaging cream sa maliit na mesa. Naka-puwesto lang ‘yon sa gilid ng beach bed. Inabot n’ya sa ‘kin ang cream. “O-Of course, Boss.” Hindi ko naman in-e-expect na mahahawakan ko agad ang ibang parte ng katawan n’ya. Kakasabi ko lang na, hanggang titig lang ako pero natupad na agad ang inaasam ko. Kinuha ko sa kan’yang kamay ang cream at nag-lakad papunta sa likuran n’ya. “Hindi po ako mas’yadong marunong mag-masahe pero sana magustuhan n’yo.” “I know you can. It’s not that hard.” Sinimulam na n’yang hinubad ang saplot sa itaas. Binalandra n’ya sa ‘king harapan ang maskulado n’yang katawan. He shows off his back muscles. Nilagyan ko na ng cream ang kanang kamay ko at binulsa muna saka kiniskis ang aking mga palad. Napapalunok pa ako habang tinititigan ang mapalad na balikat ni Gideo. Hindi ko na sinayang ang oras at marahan kong hinimas-himas para kumalat ang cream. Tumindig ang mga balahibo ko habang dinadama ang lambot ng kan’yang balat at pinisil-pisil ko na ang matigas n’yang laman. Nakakalibreng chansing naman ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD