MAY mga palusot s'ya para hindi ko mapagdudahan! Ang mas malala pa, na-develop na sa kan’ya si Jessie! Ang delikado pala ng buhay namin dahil hindi lang basta malapit ang kalaban, literal na tinuring na naming pamilya. Nirespeto ko pa naman ang tanginang ‘yon dahil ang bait n’ya sa ‘min. ‘Yon pala, may iba pa s’yang pinapakay? Pakitang tao lang pala. Dahil kung may malasakit talaga sa ‘min ang punyetang ‘yon, sa ‘min s’ya kumampi dahil wala naman sa kapahamakan ang buhay n’ya. Tangina mas inisip pa ang trabaho n’ya dahil may ranggo na pala s’ya ro’n. Paano kaya namin ‘to masabi kay Jessie? Siguradong masasaktan s’ya ng husto. Napa-sandal na lang ako sa malambot na sandalan ng sofa. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Sumakit bigla ang ulo ko. Sarap manapak ngayon. Nanggigi

