MABILISAN akong nag-bihis ng pormal na bestida saka kinuha ang sling bag at umalis na ako sa loob ng locker room. Bago lumisan, kinontak ko agad si Jessie na pupunta ako ngayon sa bundok. Nakisuyo rin ako na sabihin n’ya 'yon kay Devillion. “Devillaine, are you sure about this?” Hinarang nila akong tatlo. Isa-isa ko silang tinitigan at tinanguan. “Oo naman. Paglulutuan ko lang naman sila, ‘di ba?” “Yes but… mga lalake lang ang mga kasama mo. You are the only woman there.” Kinunutan ko ng noo si Sky. “Lagi naman ah,” natatawang sambit ko. “’Wag n’yo na ako pigilan. Sanay naman ako sa bundok.” Kahit hindi naman talaga. Sa dagat ako lumaki, hindi sa bundok. “We should go now. The pilot was waiting for us,” sabi ng soldier. “Aalis na ako!” At tumakbo na ako palapit sa soldier. “Take

