SINARA n’ya ang mga kit saka hinarap pabalik ang mapa. “Pinapauwi n’yo kasi ako sa vacation house. Malay ko bang ipapahatid n’yo ako pabalik gamit ang helicopter.” “I don’t want to waste my time to fetch you there anymore. If you like, lakarin mo pauwi kung sinsisipag ka,” matigas n’yang tugon. “So… ‘pa ‘no? Babalik na ako sa kusina ha? ‘Wag na kayo mag-reklamo.” “Umalis ka na rito sa tent. Huwag mong hintayin na ipatapon kita sa ilog.” “Ayos lang, marunong naman ako lumangoy,” mahinang usal ko dahil baka batuhin na ako ng Granada nito. “Aye aye! Captain!” Iyon ang malakas kong sigaw na nagsisilbing sagot sa sinabi n’ya. Kinapitan ko na ang dinala kong tray at lumabas sa tent. Tumakbo na ako sa kusina dahil umaambon na naman. Doon sana ako tutungo pero wala pa namang soldiers na

