TUMAAS kaagad ang blood pressure ko sa binanggit sa ‘kin ni Kuya Lino. Saglit na nandilim ang paningin ko. Napa-hawak tuloy ako sa batok ko. Ni hindi man lang nila ako kinumusta. Kahit kumusta man lang bago nila ako bubungaran tungkol sa pera. Hanggang ngayon pera at utang pa rin ang bukang bibig. Puro na lang pera! Buhay pa pala ang mga ‘to! “Hindi ba’t mga wanted person kayo rito? Hindi ba kayo natatakot na magpakita sa ‘kin at baka masumbong ko sa mga pulis?!” Nakita kong kinunutan ako ng noo ni Kuya Lino. “Anong pulis-pulis? Ano ang kasalanan namin sa ‘yo?” Umakto silang parang nakalimutan na nila ang ginawa nila sa ‘kin sampung taon mahigit ang nakalipas. Bahagya ko silang binabaan ng talukap ng mga mata. Kinilatis ko sila isa-isa. Maraming pinagbago sa mga pagmumukha nila ngay

