DEVILLAINE ROMO FIACRA “Okay na po ako, hindi na masakit ang ulo ko.” Pinahinto ko na s’ya. Hindi naman nawala ang pananakit ng ulo ko pero baka mangalay ang mga daliri n’ya kapag pinatagal ko pa. “Go ahead. You can take a nap.” Inilingan ko s’ya. “Darating pa si Jessie. Hindi pa ako makakatulog.” Lumipas ang ilang mga minuto, dumating na nga s’ya pero hindi na kami nag-ingay dahil tulog si Devillion. Umalis pa si Sir Simon para bumili ng makakain namin dahil hindi pa kami nakapaghapunan. Habang kausap ko si Jessie, naka-tulog si Gideo na naka-sandal sa sofa. Naunahan n’ya pa ako pero naiintindihan ko naman dahil mas pagod s’ya kaysa sa ‘kin. “Nakuu! Peste talaga ‘yang Hiro! Inihaw tuloy s’ya ngayon! Hindi na s’ya naawa sa bata! Pati si Devillion dinamay n’ya!” gigil na gigil n’yan

