“I thought you are not feeling well... Sana kaya mong mag duty ngayon.” Nagtaka naman ang mga kasamahan ko dahil pumasok pa ako. Si Gideo pala ang salarin kung bakit nila nalaman. Ayos lang naman ‘yon. “May extra service kasi ako kay boss Gideo. Ako ‘yong naglilinis ng—“ “It’s okay. Sinabi na rin sa amin ni Boss na inaawitan mo s’ya para maka-tulog. It’s fine, we understand. Hindi ka na dapat mahiya sa ‘min,” pormal na usal ni Thunder habang inaayos ang mga plato sa storage cabinet. “I have no idea that you can sing well.” Sinalin ko naman ang aking pagkakatitig kay Sky. Napansin kong naka-simangot s’ya. “Nakakaselos naman. Hindi rin ako nakakatulog sa tamang oras. Baka naman...” “Nako, hindi na kaya ng oras ko ‘e.” “Huwag mo nang pansinin ang sira ulong ‘yan, Devillaine. Kulang l

