“Anong oras ka uuwi, Boss? May pupuntahan pa kasi kami ni Jessie.” Bahagya n’ya akong sinalubungan na naman ng mga kilay. “May sakit ka pero lalabas ka?” Tumango ako. “Sinisipon lang ako. Mag-m-mask naman ako ‘e. At dahil sahod na namin pala ngayon, bibilhin ko na ‘yong mga pangangailangan namin tapos magaabot din ako ng ambag ng bills.” Lalong gumaan ang katawan ko dahil ang laki nitong perang binigay sa ‘kin ni Gideo. Kung wala akong ibang mapaggastusan, makakapagipon talaga ako nito kung ganito ang sahod ko buwan-buwan. Para sa pagaaral ni Devillion. “Sige na, umalis na kayo dahil ang dami ko pa po talagang gagawin dito tapos aalis pa ako.” Hinayaan ko na muna ang mga pera sa ibabaw ng kitchen table. Tumalikod ako sa kan’ya. “Tinataboy mo ba ako?” “Hindi ko kayo tinataboy, pin

