PARA akong hinagisan ng granada sa mukha nang ume-echo sa magkabila kong mga tainga ang mga salitang binitawan ng assistant. Hindi agad ako nakapagsalita dahil napa-tulala talaga ako at ilang segundong hindi naka-kurap ang aking mga mata. “Sigurado po ba kayong lason ang in-order n’yo kay Madame o gayuma?” Doon ako bumalik sa katinuan nang kinausap ulit ako ng babae. “A-Ay, gayuma po pala ang tinutukoy ko kanina, hindi lason. May naka-inom kasi na hindi naman ang target… ngayon, nagaalala si Boss at baka tatalab.” Kahit gulat na gulat ako, kaswal akong nagsinungaling kahit lalabas na talaga ang kaibuturan ko sa katawan ko. Parang humiwalay pa nga ang kaluluwa ko. Hindi pala lason ang nabigay sa ‘kin?! ‘Kun ‘di, gayuma?! Wait, dapat akong kumalma. “Hindi naman po tatalab ang love

