“Devillion! Lumabas ka na! Nandito na ang mama mo!” Doon bumukas ang pintuan ng walk-in closet. Lumakad muna ako sa kaliwang bahagi ng kama at umupo sa gilid. “’Nay, ano po ang importante n’yong sasabihin sa ‘min?” Tumigil sila sa aking harapan. Kahit wala ako sa mood ngayon dahi hindi talaga maganda ang pakiramdam ko, uumpisahan ko na dahil matagal-tagal ko na rin itong tinatago. “’Ma, sabihin n’yo na po.” Doon ko sila tiningala. “Hinahabol tayo ng kalaban ni Gideo. Noong nakaraang linggo pa, bin-lack-mail nila ako. Kung hindi ko raw lalasunin ang tatay mo,” sabay binalingan ng tingin si Devillion. “Ipagkakalat nila sa ibang masasamang grupo na may anak ang kanang kamay ng mafia boss at mamamatay tayong lahat." Sinalin ko ang pagkakatitig kay Jessie. "Target nila si Devillion.” “W

