AT doon na napa-mulat ang ang namimilog kong mga mata. Pakiramdam ko, nagsilabahan ang pulang maliliit na mga ugat-ugat sa paligid ng iris ko. “Ninang?” Lumabas si Devillion sa loob ng walk in closet. Bago pa ako maka-bangon, tumakbo agad si Jessie sa kinaroroonan ni Devillion at pinasok s’ya pabalik sa loob ng silid na ‘yon. “Dito ka lang! Nandito ang tatay mo kaya mag-tago ka!” Iyan ang seryosong sambit ni Jessie bago n’ya sinara ang pinto. “Devillaine! Harapin mo muna s’ya ro’n! Hindi ko kayang makipagusap sa kan’ya!” Lumakad s’ya palapit sa kinaroroonan ko saka inalalayan akong tumayo. Med’yo umikot ang mundo ko dahil galing pa naman ako sa pagkakatulog. “H-Hindi siguro s’ya naniniwalang nagkasakit ako… panigurado…” mahinang usal ko. “Nanay? ‘Wag po kayong lumabas. Si Ninang na

