PARA maiparanas ko na kay Gurang Gideo ang ginawa ko kay Blad, habang kumakanta, hinimas-himas ko pa ang noo pati ang kan’yang buhok. Ginagalingan ko talaga. Mas nilumanay at may ginamit pa akong voice effect para maganda pakinggan. ‘Yong aantukin ka talaga ng bongga. Rinig na rinig ko naman ang boses ko sa bawat sulok ng kuwarto habang tinititigan ko lang ang mukha ni Gurang. Nanaliting naka-pikit ang mga mata n’ya. Hindi ko masabi kung gising pa o tulog na dahil wala akong makitang senyales. Nang matapos ang aking kanta, ulitin ko pa sana pero hindi natuloy dahil narinig ko na lang ang mahihinang hilik ni Gurang. Tinikom ko agad ang bibig ko para hindi maiwasang matawa dahil halos 2 minutes lang yata ang duration ng ang kanta, shut down na agad s’ya. Doon na talaga ako tumigil.

