TINAWANAN ko na lang si Gurang Gideo sa sinabi n’ya. “Boss naman, alam kong hindi pa kayo nakaranas ng ganitong pagaalaga dahil fifty-seven years old na kayo, single pa rin. Hindi ba kayo natutuwa at ganito na lang kita asikasuhin?” Inalis n’ya ang pagkakatitig sa ‘kin. Tinitigan n’ya lang ang replesk’yon n’ya sa salamin. “I don’t know what to say. Ngunit tama ka, hindi ko pa nga naranasan, but I felt like a baby and it’s weird.” “Kung may jowa kayo, sigurado akong ganito rin n’ya kayo alagaan.” “I don’t think so. That woman would just spend her time spending my money. Karamihan, ganoon ang mga modernong babae ngayon kapag naging kasintahan nila ang may edad na,” mahinahong tugon n’ya naman sa ‘kin. Med'yo may punto s'ya “Sus, ayaw mo lang mag love life dahil busy ka sa work. Haban

