NAPATULALA ako sa pagkamangha. Alam kong si gurang ang may gawa nito dahil s'ya lang naman ang nagiisang taong nakakaalam na may transaks'yon ako ngayong alas kuwatro ng hapon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot kahit natuwa ako sa simpleng ginawa n'ya para sa 'kin. Sumandal muna ako sa malambot na sandalan ng sofa. Overthink na naman ako. Inaatake ulit ako ng pagkaguilty dahil sa disgrasyang nainom n'ya ang lason. Napalitan naman ng kaba ang lungkot at saya. Paano na lang kung walang lunas? Ano ang gagawin ko? Habang buhay ko talagang iisipin itong pirwisyong nagawa ko. "Aalis na ako," mahinang bulong ko. Tinanggal ko na ang kumot na naka-takip sa lower body ko saka bumaba sa sofa. Nagiingay pa rin ang alarm clock kaya pinatay ko na muna 'yon bago lumabas sa office ni Gura

