DEVILLAINE ROMO FIACRA INIWAN ko muna si Gurang Gideo sa balcony dahil kukunin ko ‘yong tinipla kong kape para sa kan’ya. Hinaluan ko muna ng isang stick ng asukal. Lumakad ulit ako pabalik doon. “Boss, kape.” Tumigil ulit ako sa pinagpuwestuhan ko kanina. Doon n’ya ako hinarap sabay kinuha sa kanang kamay ko ang tasa. Hinawakan n’ya sa ibabang parte, hindi sa handle. Wala naman s’yang nararadamang init sa kapal ng palad n’ya. Sumandal pa s’ya sa marmol na harang at doon na humigop. Nasilayan kong kumunot ang noo n’ya. “You didn’t add sugar?” Kinunutan ko s’ya ng noo. “Tingnan mo, wala ka nang panlasa! Nilagyan ko kaya ‘yan!” “I couldn’t taste the sugar at all,” reklamo n’ya pero humigop naman ulit. Mukhang namana rin ni Devillion ang panlasa ng gurang na ‘to. Mahilig din sa mata

