DEVILLAINE ROMO FIACRA SABAY kaming lumabas ni Gurang Gideo sa loob ng walk in closet n’ya. Nahihiya siguro s’yang makita kami ng soldier n’yang sinusubuan ko ang boss nila kaya pinalabas n’ya talaga muna. Tumungo kami sa balcony kung saan naka-hain na ang full American breakfast ng gurang. Kan’ya-kan’ya kaming umupo na magkaharap sa upuan. “Boss, alin ang gusto mong unang kainin?” tanong ko sa kan’ya. “Egg.” Pritong itlog daw. Sunny side up naman kaya ginamitan ko na ng tinidor saka tinusok. Nilapit ko ‘yon sa bunganga n’ya. “Nganga ng malawak,” utos ko. Dahan-dahan n’ya namang binuka ang kan’yang bibig saka sinubo ng isahan ‘yong pritong itlog. Kumuha agad ako ng napkin saka marahang dinampi-dampian ang paligid ng mga labi ni Gurang habang mabilisan n’yang nginunguya ‘yong kina

