DINALA ako ni Sir Kai sa floor 4, room 3. Pagkapasok ko sa kuwarto ni Gideo, doon naman lumabas si Sir at iniwan ako sa loob. Nag-sanib puwersa agad ang matapang na amoy ng sigarilyo at air freshener na lemon fragrance. Napapangiwi na lang ako dahil ayaw na ayaw ko talaga maka-langhap ng ganoong pausok. Naalala ko lang kasi ang mga palamunin kong mga kapatid. “Gideo? Saan ka?” Magsasalita sana ulit ako pero may naririnig akong tunog ng shower sa kanang bahagi ng pader kung saan nandoon ang naka-saradong pintuan ng bathroom. “MAS INUNA MO PANG MAGKUWENTUHAN SA MGA TALIPANDAS KAYSA MAG TRABAHO?!” Saglit kong pinikit ang aking mga mata dahil umugong na lang doon ang malakas at malalim n’yang boses. Agang-aga, sigaw kaagad ang paunang bungad sa ‘kin ah. “Ni hindi mo nga ako hinayaang

