“Mukhang seryoso yata ‘yan ah?” tila nagaalalang sambit ni Sky. Ngumiti ako ng mapait. “Pumunta ako rito para magpaalam. Aalis na kasi ako at babalik sa isla kung saan ako nangggaling.” Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. “Pinapauwi kasi ako ng kaibigan ko ro’n at may trabaho nang nagaantay sa ‘kin,” marahang usal ko. “Makakaalis ka ba? Hindi ba’t bawal dahil kinakailangan mong matapos ang kontrata mo?” tanong sa ‘kin ni Thunder. “Pinahintulutan na ako ni Boss Kruger.” “Saan ang islang ‘yon? Baka mabisita ka namin doon minsan,” tanong ni Jack. “Ibibigay ko sa inyo ang address ko.” “Kailan ka aalis, Devillaine?” malungkot na sambit ni Sky . “Next week na… bale, 5 days to go na lang.” “Ang bilis naman,” mahinang usal n’ya. Iyan kasi ang sinabi ng anak ko ‘e. Sinunod naman n

