LIMITED lang ang oras namin kaya hindi rin kami mas’yadong nag-tagal sa ibang lugar. Naaliw naman ang anak ko dahil naaagaw ang pansin n’ya sa mga napakadaming helicopters at fighter jets sa malawak nilang parking space. Nalulula ako sa lawak. Ang yaman-yaman ng organisasyon nila dahil ang dami nilang puwedeng ipagmalaki rito. Hindi ba natatakot si Sir Harold? Wala sila sa kalingkingan pero gumagawa ng paraan para mapatay ang mga boss. Naging tour guide namin si Gideo. S’ya ang nagpapaliwanag kung ano ang purpose ng bawat lugar na mga ‘yon. Hindi lang mas’yadong nagsasalita ang anak ko pero namamangha s’ya sa mga nakikita n’ya at higit sa lahat, nakikinig sa mga sinasabi ni Gideo. “Sa susunod, if we have plenty of time, dadalhin ko kayo sa ibang bansa.” Pauwi na kami ngayon sa mans’yo

