"BUMALIK KA RITO! NAGBIBIRO LANG AKO!" Sinigaw ko talaga 'yon ng malakas at hinabol ang gurang. "Hoy! 'Wag mo ngang sabihin kay Devillion—" Tinigil ko agad ang pagsasalita ko nang bigla s'yang huminto sa pag-takbo. Hinarap ako at bumulusok palapit sa 'kin. Kaagad akong tumigil. "Baka kung ano ang iisipin sa 'kin ni Devillion 'pag talaga—" Hindi natuloy ang gusto kong banggitin dahil bigla n'ya lang ako kinapitan sa kaliwang pulsuhan at hinila sa sa kinaroroonan ng pader. Bago pa ako maka-usal, sinandal n'ya na lang ako roon. Natakpan ako ng madilim n'yang anino. Inangat ko agad s'ya ng tingin. Sinalubong ko ang malalim n'yang pagkakatitig sa 'kin. May sapat naman na distansya ang agwat naming dalawa pero rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso n'ya. His heart is pumping too much bu

