HINDI sa malamang dahilan, parang nakakatunaw sa tainga marinig ang salitang ‘anak’ mula sa bibig mismo ni Gideo. “But… starting next week, may gagawin kami ni Kruger na project sa labas ng village. Hindi ba puwedeng after 3 weeks na lang?” Hindi naka-sagot ang anak ko. Kakabaling ko lang ng tingin kay Devillion pero iniwasan n’ya agad ng tingin si Gideio. “O-Okay, I will. Bibisitahin ko kayo ng mama mo sa islang ‘yon.” Pumayag s'ya ng ganoon kabilis. “Kahit ‘wag na po,” mahinang bulong ni Devillion. “Sa susunod na linggo na po kami aalis. Maliligo na po ako at salamat po ulit.” Saglit n’yang niyuko ang kan’yang ulo sa harapan ni Gideo. Tumagilid saka humakbang paalis sa aming harapan. Sinundan ko na lang ng tingin ang anak ko habang papalapit s’ya sa naka-saradong pintuan ng banyo. B

