KINURBA ko na lang ang mga labi ko habang pinagmamasadan silang mag-ama. Ngayon pa lang yata sila magkatabi matulog. Lumakad na lang ako palapit sa pinto. Sa gilid no’n, doon iniwan ang dalawang maleta. Nag-hanap na lang ako ng masusuot saka bumalik sa banyo. Nag-bihis ako ng maluwang kong dress. Lumabas ulit saka nilakad ang kinaroroonan ng kama. Nag dahan-dahan akong umakyat para hindi sila magising. Tumabi na rin ako kay Devillion at niyakap ang anak ko. KINAUMAGAHAN no’n, naghanap ulit kami ng puwedeng galaan pero hindi sa China ‘kun ‘di sa Japan. Nag-bago ang isip nila dahil may private jet naman kami at puwedeng umalis kahit kailan gugustuhin. Bago kami lumisan, bumili muna kami ng pasalubong kina Sir Simon at Jessie. Mga snacks at traditional teas. Pagkatapos no’n, tumungo na

