DEVILLAINE ROMO FIACRA UMALIS sina Gideo at Sky para bumili ng ticket. Pag-balik nila, magaantay pa raw kami ng 15 minutes dahil ang dami talagang naka-pila. Nag-stay pa kami sa loob ng café habang inuubos ang mga in-order namin. “Mama, can I go to the bathroom?” Binalingan ko ng tingin ang anak ko rito sa tabi ko. “Me too. Sabay na kami.” Napansin kong tumayo sa pagkakaupo si Thunder. Napa-titig ako sa kan’ya. “Magiingat kayo.” Tumayo na rin si Devillion at umalis sa kan’yang kinauupuan. Pinagmasdan ko na lang sila na lumabas. Umiwas lang ako ng tingin nang hindi ko na sila matanaw. Kumakain pa rin ang apat pero may napansin akong kakaiba. Dahan-dahan kong sinalin ang aking buong atens’yon sa tabi ko. Ilang inches lang ang distansya namin ni Gideo. Kumunot ang noo ko dahil ang lalim

