DEVILLAINE ROMO FIACRA UMALINGAWNGAW at ume-echo ang mga daing, sigaw, at malalakas na hiyaw ng mga kuya ko nang kinuyog s’ya ng mga katrabaho ko. Saksi ako kung paano nila sinapak, sinipa, tinadyakan at mayroong sinasakal pa. Rinig na rinig ko pa ang mga sound effects na nililikha ng kanilang mga kamao. Hindi na naka-palag pa ang mga kuya ko dahil kung ikukumpara, hindi talaga nila kaya ang lima dahil mga trained soldier ang mga ‘yan. Gigil na gigil nilang binugbog ang mga kuya ko at kahit naririnig ko na ang kanilang pagmamakaawa, hindi talaga ako naawa. Ito pala ang plano ni Gideo. Mukhang naging sunod-sunuran lang s’ya kanina pero talagang hindi ko napigilang mainis. Muntikan tuloy kaming nag away. “Devillaine, maiwan muna natin sila rito.” Kinapitan ni Gideo ang kanang pulsu

