PASIMPLENG tumikhim ang matanda. “Hindi ko naman kasalanan kung nag-kamali kayo, ‘di ba?” “Oo, aaminin kong nagkamali nga ako pero bakit ka nag-sinungaling sa assistant kong tama ang bote na natanggap mo imbes na aminin mo ang totoo?” Saglit kong tinikom ang bibig ko sa sinabi n’ya. “May iba ka bang binabalak?” Hindi ako sumagot. “Magagalit sa akin si Sir Konnor kapag nalaman nila ang pagkakamali ko. Ako ang malalagot sa aking kapalpakan kaya ibibigay ko na sa iyo ngayon ang tamang bote.” Nakita kong sinenyasan n’ya ang babaeng assistant. Narinig ko ang kan’yang mga yapak na papalapit sa aming kinaroroonan. Tumigil s’ya sa kanang dulo ng side table at may nilapag sa ibabaw no’n. Doon napa-sentro ang mga mata ko. Nasilayan ko ang isang kulay pulang bote. “Ihalo mo ‘yan sa inumin ng b

