“Jessie, sandali lang ha? May titingnan lang ako sa labas.” Nilingon ko s’ya saglit at nag-a-arrange lang s’ya ng mga garapon sa shelf. “Sige na.” Nang sinagot n’ya na ako, humakbang ako paalis sa store at pumuwesto sa kabilang tindahan na close na. Sinagot ko ang tawag at dinikit sa kaliwang tainga ko. “Hello?” “Did you get the poison?” Napa-lunok ako. “O-Oo. Hindi ko pa nagawa kanina. Naghahanap pa ako ng perpektong pagkakataon,” nagmamadaling tugon ko. “Huwag mong patagalin. Contact me if you are done poisoning him. Your mission must be done tomorrow, are we clear?” “Sige.” “Very well. Wish you luck.” He hangs up the call. Kagat-labi kong binulsa ang cellphone. Namamawis talaga ako kahit ang lamig ng panahon. “Mama!” Napansin kong may humitong kotche sa harapan ko. Pag-tin

