NATIGILAN lang ako sa sinabi ni Gideo pero wala akong naging ibang reaks’yon. Naka-focus lang ako sa mangga na kinakain ko. “H-Honey… you are bearing my child, honey!” Patakbo pa talaga s’yang tinungo ang aking kinaroroonan at saglit akong siniil ng mahigpit na yakap. Tiningala ko s’ya habang kinukunutan ng noo. “Ano ka ba naman, porke kumakain ng mangga, buntis na agad ako? At three weeks or more lang kaya simula nu’ng first night natin. Hindi na counted ‘yong nasa bakasyon tayo. Ang bilis naman yata kung nabuntis mo nga ako?” He cupped my cheeks. “Honey, it takes up to 2 to 3 weeks after s*x to become pregnant that is why… you are experiencing early pregnancy symptoms now! You haven’t taken any contraceptive pills so there’s no chance to get delayed… hindi malabong buntis ka na ngayon

