DEVILLAINE ROMO FIACRA HINDI matutumbasan ng kahit ano man ang saya ni Gideo nang malamang positive ang blood test ko. Hindi rin masukat talaga ang naramdaman n’yang kaba simula nu’ng nakaraang araw. Doon naman ako dinapuan ng pagkaguilty noong sinabihan kong expired na ang sperm n’ya. May kutob akong nang dahil sa sinabi ko, kaya s’ya nag-alala ng husto. Kung ako naman ang tatanungin, confident talaga akong mabubuntis n’ya ako. S’ya pa ba? “Congratulations, boss! May bago naman kaming aalagaan!” masiglang sambit ni Sky. Tuwang-tuwa talaga ang gurang. Kulang na lang, maglupasay s’ya sa sahig at tumalon-talon. Mabilis n’ya pa akong nilapatan ng halik sa kaliwang pisngi bago bumalik sa pagkakaupo. At doon na kinuwento ang nangyari noong nakaraang araw. Binati nila kaming lahat. “May

