“’Ma, papasok na po ako ngayon. Maayos na po pakiramdam ko.” Habang humihigop ng kape, muntikan kong maibuga ‘yon pero nilunok ko agad. Napa ubo-ubo ako. Tinitigan ko s’ya rito sa tabi ko. “’W-Wag muna, ‘nak. Dito ka muna. Huwag kang lalabas,” sunod-sunod kong usal na ikinakunot ng noo n’ya. “Pero ‘ma, okay na po ako. Magsasalamin po ako at magsusuot ng face mask.” “Ihahatid naman s’ya ng driver ni Daddy, Devillaine,” sabi naman ni Jessie. “Yes. Ipapasundo ko rin tuwing uwian.” Napa-titig nama ako sa kanilang dalawa saka ngumiti ng mapakla. Natatakot akong lumabas ang anak ko. Takot na takot ako. “Basta, ‘wag ka munang papasok ngayong araw,” seryosong usal ko sa maawtoridad na tono ng pananalita. “O-Okay, ‘nay,” magalang na tugon ng anak ko. Isang matinding pagkakamali ang pag-

