HINDI ako naka-kurap nang umugong sa magkabila kong mga tainga ang pahabol n’ya sa ‘kin. Nangmanhid ang mukha ko at nagsisimulang mandilim ang aking paningin. Hindi ko namalayang kinuyom ko na pala ng napakadiin ang mga kamao ko at ramdam ko ang talim ng aking mga kukong bumabaon sa balat ko. I did my best to be nice to him. I risked all my pride. Kahit likas s’yang demonyo, naisipan ko pa rin magpakumbaba pero puro matatalim lang na salita ang natatanggap ko mula sa kan’ya. “Bakit mo ako idadamay sa sarili mong problema? Who do you think you are? Are you my relative? Are we sharing the same genes by any chance? Why do I have to help a servant like you? What reason?” Inulan n’ya ako ng mga katanungan. Ako naman itong pinagpapawisan kahit nilalamig ulit ang mga talampakan ko. The gr

