NAPA-TULALA pa ako sa sinabi ni Sir Kai. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Natahimik pa ako saglit dahil mas nabigla pa yata ako sa binalita nila sa 'kin. “U-Umalis na tayo rito. Gusto kong makita si Boss.” Sumangayon silang lahat sa ‘kin. Umalis na kami sa parte ng lugar na ‘yon. Sinundan ko sila kung saan man tutungo. Umabot ng fifteen minutes bago kami naka-pasok sa loob ng isang bahay. Pinasok namin ang unang kuwarto. Pagdating namin doon, lalo lang akong natigilan dahil bumulaga sa ‘min na naka-higa si Gideo sa magulong kama. May dalawang soldiers na bumibigkis ng kaliwa’t kanan n’yang mga braso gamit ang kung anong elastic na puting tela. Kinabahan ako dahil naka-pikit si Gideo, senyales na wala s’yang malay. Kumalat din sa kama ang mga gauze na may bahid ng dugo. Pur

