DEVILLAINE ROMO FIACRA “Puwede mo na s’yang pasalamatan.” Iyan ang sinabi sa ‘kin ni Sir Kenny nang tumigil sila ni Sir Manuel sa harapan ko. “Ako na ang bahala rito.” Kinuha n’ya ang baldeng may lamang tubig na kapit-kapit ng kanang kanang kamay ko. Nginitian ko na lang s’ya hilaw. “Salamat po.” “Tara na, bumalik na tayo roon.” Sinamahan ako ni Sir Manuel. Pinasok namin ang bahay kung saan naroroon ang pas’yente. “You have to contact the black mansion. Tell them to prepare 100 firing drones and don’t forget to add the food supplies.” Habang patungo sa naka-bukas na pinto, tungkol pa rin sa trabaho ang inaatupag ni Gideo. Ibang klase talaga ang gurang na 'to. Kahit mamamatay na, obligasyon pa rin ang iniisip. Masyado n'yang pinapapel ang pagiging boss. “Copy, boss.” Tumigil ak

