“Oo naman. Pinatunayan n’yo ulit sa ‘kin ngayon na hindi scam ang konting baitan n’yo that time kasi… puwede mo naman akong iwan do’n, ‘di ba?” “That again? Kung na sa akin ang mapa sa mga oras na iyon, tinakasan na kita. Maghahanap ako ng ibang matulugan. Iiwan kita mag-isa sa puno para maturuan ka ng leks’yon.” Panira talaga ng moment ‘to pero dahil mabait ko ngayon, dapat good vibes muna. “Iiwan daw… pero babalikan naman ako para hanapin kinaumagahan,” pangaasar ko sa kan’ya habang natatawa. “Stop day dreaming, servant. Ipapahanap kita sa capo.” “Oh at least, pinahanap mo pa rin. Gan’yan kasi kayo kabait, boss… pa-humble lang kayo ‘e,” banat ko pa pero hindi man lang s’ya natuwa. Siguro dahil mas’yado akong nagpapahalatang binobola ko lang s’ya. Hirap naman pasiyahin ang matanda

