DEVILLAINE ROMO FIACRA Sinasadya ko talagang lakasan ang boses ko para ma-activate ko ‘yong pagkabeastmode at para matakot itong gurang. Ano ba naman ang laban n’ya sa ‘kin kung hindi n’ya nga magalaw ng maayos ang magkabila n’yang mga braso? Hindi na s’ya umangal dahil sunod-sunod talaga ang pag-subo ko sa kan’ya. Inaantay ko na nga lang na bubulyawan n’ya ako pero wala, tiklop ang demonyo. Ang ibig sabihin lang nito, masakit talaga ang mga tama ng bala ng baril tapos may paso pa s’ya sa buong braso. Binitawan ko na ang pagkakasabunot ko sa likod ng kan’yang ulo ko dahil hindi naman na s’ya nanlaban. Nakakainis kasi ang pride nito. Dapat pala ginugulpi para hindi maka-angal. “Pasikat ka kasi. Alam mo sa sarili mong hindi mo kaya, nagpapakaindependent ka pa rin,” pangangaral ko pa ri

