NAG-DIWANG ang mga nasasakupan ng grupo ni Tandang. Ikinabunyi nila ang lahat ng tulog na binigay ni Gideo Gurang. Sulit ang pagod ng mga soldiers dahil napapalitan naman ‘yon ng mainit na pasasalamat galing sa mga nabigyan. Excited naman akong umuwi dahil namimiss ko na talaga ang Devillion ko. Panatag na rin ako ngayon dahil nararamdaman kong wala nang cold war na magaganap sa ‘ming dalawa ni Gideo at kinakailangan n’ya ako para literal na pagsilbihan s’ya. May basbas na ako galing mismo sa kan'ya. Umalis kami sa teritoryo na may ngiti-ngiti sa mga labi. Pag-balik namin sa hideout, nag-impake na agad kaming lahat. Naisama ako sa first batch na iuuwi sa vacation house. Habang pinagmamasdan ang malawak na kagubatan dito sa itaas, napapangiti ako. Nasa loob na ako ng helicopter ngayon

