WALA na akong pinalagpas na oras. Tumakbo ako papasok ng villa. Dumiretso agad ako sa elevator at mabilis na pinindot ang floor button kung saan naroroon ang roof top. Hindi ko mabilang ang bawat pintig ng puso ko. Ramdam na raman ko kung paano nag-v-vibrate ang aking katawan na parang tatagos na ang kaibuturan sa dibdib ko. Naguumpisa na’ng mangmanhid ang mukha ko at bahagyang nanginginig ang aking nanlalamig na mga kamay. Na’ng bumukas pahati ang elevator, nasilayan ko agad ang masamang presens’ya ni Gideo. Naka-talikod s’ya sa aking paningin habang kapit-kapit ng kaliwang kamay ang isang itim na maleta. May tinatanaw s’ya sa ere na tila may hinihintay at panay sulyap sa suot n’yang wrist watch. “B-BOSS GIDEO!” Sumigaw ako ng malakas pag-hakbang paalis sa loob ng elevator. Kahit an

