"Hindi mo dapat masyadong binibigyan ng pabor ang batang iyan. Oo, anak natin s'ya. Pero kung hindi natin s'ya mapasusunod ay hindi tayo dapat maging mabait sa kanya." Nagtatalo ang mag-asawa. Gusto ko ng ice cream at niyaya ko si Thaddeus na bumaba, pumayag naman ang bantay at ngayon nga'y nakabuntot sa amin habang pababa ng hagdan. "Anong magagawa ko? Nangungulila ako sa anak ko. Gusto ko lang naman s'yang makasama ulit. Kung kailangan maging sunod-sunuran ako sa gusto nila, so be it! I don't care kung nagmumukha na akong desperada. Basta ang gusto ko, makasama ko s'ya, maging parte ulit ako ng buhay n'ya." Sinulyapan ko si Thaddeus na halata sa mukhang natigilan. Bahagya kong pinisil ang palad nito. "Gusto ko ng ice cream." Paalala ko rito. Parang sa mga oras na iyon ay mas mahalaga

