Pagkatapos kong sabihin iyon ay ginagap ni Thaddeus ang aking kamay. Ngayon ay magka-holding hands na kami nito. Nakaangat pa rin ang kamay namin nang tignan ko ito. "Hindi mo kailangan mag-isa." Bulong nito. Titig na titig ako sa gwapong mukha nito. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan samantalang matiim lang naman ang aming titigan. Saka nito iginiya pababa ang magka-holding hands naming kamay. Sa sobrang bilis ng kilos nito ay nagawa n'yang ilagay ang mga iyon sa ulunan ko saka mabilis na pumatong sa akin. "T-haddeus?" usal ko sa pangalan nito. Pero walang naging tugon ang lalaki. Pero nakuha nitong mabilis akong yukuin at inilapat ang labi sa aking labi. Hindi ko alam, dapat ang unang reaction ko ay mabigla, magulat at itulak ito. Ngunit

