Gabi na, mabilis kaming pumasok ni Thaddeus sa gate na sadyang iniwang bukas ni Mama para walang hassle sa pagdating namin. Kinakabahan ako para sa safety namin, pero kailangan ipaunawa namin dito ang sitwasyon. Na ang anak nitong may pinaka-boring na buhay ay nasuong sa isang gulo na si Thaddeus lang ang tiyak kong makakatulong sa akin. "A-nak, alam kong mahal mo si Agassi. Pero hindi ko akalain na hahanap ka pa rin ng mukha na tulad sa kanya." "Ma, hindi po." Tangi ko rito. Napagkamalan pa ata nitong kasintahan ko ang lalaki. Napakamot pa ako sa ulo dahil sa paraan nito nang pagtingin kay Thaddeus. Kung makatingin ay waring hinuhusgahan ang kasama ko na kalmadong-kalmado lang naman. Walang bahid nang pag-aalinlangan sa kinauupuan nito. "Anak, kung depress ka pa rin subukan mo na k

