Nakarating si Tristan sa warehouse kung nasaan ang main hideout nila ng kanyang amang si Lucio. Hindi katulad ng ibang mga tauhan nila, malaya siyang maglabas-paso doon dahil siya ang anak ng mastermind nila. May kahigpitan ang kanilang security. Mayroong mga codes na kailangang pindutin sa gilid ng makapal na metal na pintuan bago makapasok sa loob. Ang panlabas na anyo ng warehouse literal na mukhang warehouse ngunit sa loob nito ay kabaligtaran. Makapal na metal ang bawat pader nito para hindi tablan ng kahit na anong bomba o baril na maaaring magpenetrate sa loob. Nang makapasok si Tristan sa loob ay naroon na ang kanyang ama. Kausap nito ang may-ari ng ilegal na pagawaan ng mga armas sa Germany. Mukhang nagkakainitan ang dalawa. Kilala ni Tristan ang kanyang ama. Kapag hindi niya na