Ilang oras pa ang lumipas nang dumating si Tristan galing sa work kuno ng kanyang ama. Wala ito sa mood nang umuwi. “Tristan?” tawag ni Sweetie nang mapansin niya ang binata na hinagis ang jacket nito sa couch. Umupo si Tristan doon at sumalampak doon. Lumapit si Sweetie sa kanya. Kahit papaano ay nag-aalala pa rin si Sweetie sa kanya. Kung hindi dahil kay Tristan, baka wala siya ngayon dito at hindi niya makikita si Gino. “Are you okay?” tanong ng dalaga. “Gusto mo ba ng tubig? Ipangkukuha kita.” Akmang lalakad na si Sweetie nang hilahin siya ni Tristan sa pulso. “Sweetie, are you double-crossing me?” Nakaramdam ng kaba si Sweetie sa tanong ni Tristan. Simple at maayos ang tanong nito ngunit may halong threat sa kanyang boses. Tristan chuckled. “Sorry. Naisip ko lang. Hindi mo nama