Napatitig lamang si Sweetie kay Gray na para bang may kung ano sa mukha niya. Napakainosente pa rin nitong tingnan sa isip ni Gray. “You have a weird name. Matamlay ang kulay gray. But it’s a cool name,” ngiti ni Sweetie. “Kailangan ko bang magpasalamat?” Gray teased. Lalong lumawak ang ngiti ni Sweetie ngunit nawala rin kaagad nang maalala niya ang mga habilin ni Tristan sa kanya. “Gray, salamat sa pagtulong mo sa akin at yung invitation mo na magluto sa bahay mo and chill..” “No problem. Sakto ikaw pa lang naman ang nakilala ko rito. Looks like okay naman ang mga neighbors.” Ngiti ni Gray. Hindi nawawala ang titig niya kay Sweetie. Dapat namang maalarma si Sweetie sa nangyayari pero kabaligtaran ang nararamdaman niya. “I know this will sound rude pero.. pwede bang umuwi ka na, Gray?